Saturday , December 28 2024
Jennifer Garner Peppermint

Husay sa action, muling ipinamalas ni Jennifer Garner sa Peppermint

HINDI dapat maliitin ang kakayahan ng isang babaeng napagkaitan ng katarungan.

Ang action thriller na Peppermint na pinagbibidahan ni Jennifer Garner ay tungkol kay Riley North, isang babae na nagkamalay mula sa pagkaka-coma at nalaman niyang hindi nakaligtas ang asawa at 10 taong gulang na unica hija sa isang drive-by shooting sa karnibal. Dahil malinaw niyang naaalala ang mga pangyayari, nakipagtulungan siya sa mga pulis upang matukoy ang mga salarin.  Subalit ang mga tiwaling hukom at pulis na bayaran ng makapangyarihang drug cartel ay nagsabwatan para mabalewala ang kanyang testimonya at tuluyang mabasura ang kaso.

Dala ng kanyang matinding poot, sinanay ni Riley ang isipan at katawan para sa pakikipaglaban.  Ilang taon siyang nagtago, at sa kanyang pagbabalik, isa na siyang mapusok na vigilante na hindi magawang masukol ng mga pulis.  Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakapaghihiganti sa mga taong nagkait sa kanya ng hustisiya.

Si Pierre Morel, ang kilalang director ng Taken at The Gunman ay pumayag agad na idirehe ang pelikulang ito dahil nagustuhan niya ang idea kung paano mababago ng isang trahedya ang pagkatao ng isang ordinaryong tao.  Aniya, ”Trying to figure out how a regular human being reacts when hit with such a dramatic and brutal situation was compelling to me.”  

Hindi rin pinalampas ni Garner ang papel na ito kahit na 11 taon na ang nakalilipas nang huli siyang sumabak sa action scenes. Ang aktres ay nakilala sa TV series na Alias, at action-heavy feature films tulad ng Elektra at The Kingdom.  

Para magampanan ang kanyang karakter, mahabang oras sa bawat araw ang ginugol ni Garner para magsanay ng iba’t ibang estilo ng pakikipaglaban gaya ng Krav Maga at boxing at mayroon din siyang weight training.  Tinuruan din siya ng mga miyembro ng Navy Seals para sa tamang paghawak at paggamit ng iba’t ibang armas.

Ayon kay direk Morel tamang-tama ang timing ng pagdating ng pelikulang ito sa buhay ni Garner na isa na ring ina.  Dahil dito makatotohanan ang naging pagganap niya sa kanyang karakter.  ”This role feels like it came at the exact right moment in her life, she truly is that kind and committed Mom who lives for her family and has a deep connection to the emotion of the story. That connection helps us believe that after such terrible loss someone could snap and come back as somebody else and basically take out everybody involved.”

Inamin ni Garner na napag-usapan nila ni direk Morel kung tama ba ang maghiganti, at nagkasundo sila na ito ay isang komplikado at interesanteng tema na magandang talakayin sa isang action film.

Mapapanood na ang PEPPERMINT sa mga sinehan nationwide handog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Mali Elephant

Nadine nalungkot  preserbang katawan ni Mali idinispley 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na …

Pokwang apo Mae Subong

Pokwang lola na

MA at PAni Rommel Placente AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo …

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *