Saturday , April 13 2024

Magkahalong Action at Sci-fi, hatid ni Jackie Chan sa Bleeding Steel 

NAGBABALIK ang Martial Arts Superstar na si Jackie Chan sa big screen para sa maaksiyong Sci-fi movie,Bleeding Steel na magbubukas na sa mga sinehan sa February 21.

Mula sa direksiyon ni Leo Zhang, ang Bleeding Steel ay tungkol sa isang Special Agent na si Lin Dong (Chan) na nalagay sa isang alanganing sitwasyon na kinailangang mamili sa kanyang pamilya o sinumpaang tungkulin. Nakatanggap siya ng tawag sa hospital na kasalukuyang ginagamot ang kanyang anak na may Leukemia. Dahil sa kritikal na kondisyon ng anak, nagmadali siyang pumunta sa hospital. Ngunit isang tawag pa ang kanyang natanggap mula naman sa kanyang katrabaho para sa isang biglaan at delikadong misyon.

Ayon sa impormasyong ibinigay kay Lin, nanganganib ang buhay ni Dr. James, isang importanteng witness na nangangailangan ng proteksiyon ng pulisya. Ngunit bago pa man makarating ang mga pulis sa kinaroroonan ni Dr. James, nag-inject na siya ng isang chemical substance na nakatago sa isang mechanical heart.

Nang makarating ang mga pulis para ilipat siya sa mas ligtas na lugar, bigla naman silang sinugod ng mga armadong tao. Halos lahat ng miyembro ng team ni Lin ay namatay sa ambush.

Makalipas ang 13 taon, ano na kaya ang nangyari kina Agent Lin, sa kanyang anak, at sa misteryosong si Dr. James na maaaring maging susi sa isang advanced ngunit napakadelikadong teknolohiya?

Hitik sa aksiyon at nakatatawang eksena ang Bleeding Steel, dalawang bagay na trademark ng isang Jackie Chan movie. Sa pelikula ring ito, pinagsama ni Chan ang kanyang mga kilalang martial arts moves at mga bagong fighting styles na swak sa isang sci-fi action film.

Ang buong pelikula ay kinunan sa Taipei, Beijing, at Australia. Isa sa mga dapat abangan ay ang astig na fight scene ni Chan sa tuktok ng Sydney Opera House.

Ipalalabas ang Bleeding Steel sa February 21 mula sa VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Jos Garcia

Int’l artist Jos Garcia suporta at pagtangkilik wish sa kanyang kaarawan

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap na birthday celebration ni Jos Garcia sa Japan kasama ang …

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Isko Moreno

Yorme Isko tiniyak ‘di na tatakbo sa halalan 2025

I-FLEXni Jun Nardo SARADO na ngang talaga ang pinto ng politika kay Isko Moreno Domagoso kahit nasa …

blind item

Direk nabigla Boytoy may kasamang Gay Foreigner

ni Ed de Leon NA-SHOCK si Direk. Kasi aminado naman siyang nagkaroon ng misunderstandings ng kanyang Boytoynoong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *