Kung ang feeling ng detractors ni Direk Reyno, kaya nananahimik ang kaibigan naming director ay kinalimutan na niya ang pagdidirek at produce, nagkakamali sila.
Well although, hindi rin namin gaanong nakata-chat lately si Direk Reyno dahil pareho kaming busy ay alam naming may pinaghahandaan siya sa kanyang nalalapit na pagbalik Filipinas.
Naikuwento niya na may malaking movie project siyang sisimulan early of 2019 plus busy nga siya sa kanyang mga job sa Ontario, Toronto, Canada. Yes hindi lang isa ang trabaho ng nasabing filmmaker kundi may iba pa siyang sideline. Saka hindi iiwan ni Direk Reyno ang showbiz lalo’t na-recognize na siya ng Cinemalaya Nepresso at Hidden Cinema sa kanyang mga obrang “Takipsilim” at “9 Na Buwan” na pinagbibidahan ng nilulutong love team na sina Ti Rvero at Amaya Vibal.
Samantala nakapag-invest na pala ng negosyo sa kanilang lugar si Direk Reyno at mayroon nang dalawang branch ang kanyang litsong manok.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma