Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban sexy
Angelica Panganiban sexy

Angelica, ‘di at home makipag-date sa non-showbiz guy

INAMIN ni Angelica Pa­nga­niban kay Boy Abunda nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda kamakailan na sobrang kinakabahan siya kapag nakikipag-date sa hindi taga-showbiz?

“Hindi ako marunong makipag-usap sa isang tao na hindi tagarito (showbiz). In fairness, nag-a-adjust siya ng bonggang-bongga kasi ako walang masyadong alam sa ginagawa niya.

“Naka-ilang beses na kaming nag-date pero lately, busy si kuya pero ngayon ako naman ang medyo busy,” pag-amin nito sa Tonight With Boy Abunda.

Sa showbiz, sobrang close si Angie kay Direk Andoy kaya ito daw ang una niyang tinatawagan kung may problema siya at unang iniiyakan, “Sa kanya ko kinukwento yung mga katangahan ko, kasi sa kanya lang ako nakikinig at siya lang ‘yung puwedeng tumalak sa akin.”

Pagdating sa pagiging professional, inamin nitong one of the best siya kaya nakatitikim sa kanya ‘yung mga kasamahang artista na hindi considerate at professional na katrabaho.

“Ako ‘yung artistang nagsasabi ng deretsahan. Pinagsasabihan ko naman sila na kung gusto nila ang kanilang ginagawa, hindi maganda ‘yung pinaghihintay mo ‘yung ibang tao.”

Ikinatutuwa nito ang pagle-level-up niya sa pagiging prangka as in, open siya sa kanyang nararamdaman dahil nagsasalita na siya. Hindi tulad noon na tahimik lang at kadalasan, isinitsismis lang ang isang tao na may kinalaman sa pag-uugali nito at pati na sa mahinang pagkilos.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …