Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward
Jillian Ward

Jillian, bawal pang magpaligaw (Nawiwirduhan sa mga nagpa­paramdam)

MAY mga nagpapa­-ramdam na kay Jillian Ward ng ‘interes’ (via direct messages sa Instagram) pero hindi niya ine-entertain.

“Hindi ko po sila puwedeng hayaang manligaw dahil hindi ko po alam kung ano ang magagawa ni Papa sa akin,” at tumawa ang 13 year old na dalaga.

Hindi pa siya puwedeng ligawan.

“Hindi pa po puwede.

“Siguro po, ang tip ko po sa kanila, puwedeng magka-crush pero bawal pa pong manligaw.”

Nawiwirduhan
sa mga nagpa­paramdam

ANO ang nararamdaman niya kapag may mga nagmemensahe sa kanya sa IG na nagpapahiwatig ng pagkagusto at interes na manligaw?

“Medyo weird po kasi parang halos ngayon lang po nag-start ‘yung mga ganoon, parang iba po sa pakiramdam.

“Pero wala naman po, kasi hindi ko naman po ine-entertain.”

Sa Super Ma’am huling napanood si Jillian na ngayon naman ay napapanood sa My Special Tatay bilang si Odette Villaroman.

Mahigit isang taon na ring napapanood si Jillian sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo.

This time, sa My Special Tatay ay isang drama show naman ang kasama si Jillian.

“Happy po ako na makababalik ako sa drama kasi nga po puro fantasy and ‘yung last ko pong drama is ‘Sa Piling Ni Nanay.’”

Napag-alaman namin na ipinalabas din sa Malaysia ang Sa Piling Ni Nanay na napanood dito sa Pilipinas noong 2016 na pinagbidahan nina Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Katrina Halili.

Teenager na ngayon ang dating cute na cute na child actress. Ano ang pakiramdam na isa na siyang ganap na teenager?

“Well, nakakapanood na po ako ng mga pang-13 plus na movies,” at tumawa si Jillian.

“And parang siguro po mas medyo naging mature rin po, kahit paano and pati po ‘yung mga kaibigan ko rin po kumbaga, teenagers na rin po. Pero rati po kasi puro mga bata po ang mga kaibigan ko.”

Ano pa ang pagbabago sa buhay niya ngayong hindi na siya batang paslit?

“Siguro po yung medyo kailangan mo ng maging mas matured and ayun po, parang talagang ang expectations po ng mga nakatatanda ngayon dahil teenager ka na talagang dapat mature na po ‘yung pag-iisip mo.

“Pero medyo isip-bata pa rin po ako,” at tumawa ang Kapuso young actress.

“Pero, wala naman pong ipinagbago, ‘yun lang parang mas maging mature lang po, ‘yung mga nasa paligid ko rin po mas mature na rin ‘yung mga nakakausap ko po.“

And mas naiintin­dihan ko na po ‘yung mga usa­pan ng mata­tan­da.””

ni ROMMEL GONZALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …