Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald German Mary Antonnette German
Gerald German Mary Antonnette German

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad ng Pateros, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Vio­lence Against Women and their Children Act (RA 9262) si Pateros Muni­cipality Vice Mayor Gerald German, 39, resi­dente sa E. Hermosa St., San Roque, Pateros.

Samantala, ang biktima ay kinilalang si Mary Antonnette German, 38, misis ng bise-alkalde ng naturang lungsod.

Sa naantalang ulat ng SPD, naganap ang insi­den­te sa loob ng bahay ng pamilya German, dakong 7:30 pm nitong 18 Setyembre.

Sinabi ni Pateros Police chief, S/Supt. Julius Coyme, problema umano sa pamilya ang dahilan ng pananakit  at boluntaryong nagtungo ang bise-alkalde sa him­pilan ng pulisya kaugnay ng nangyaring insidente.

Sinabi ni Coyme, nag­piyansa ang vice-mayor para sa nasabing asunto.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …