Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phillip Salvador and President Duterte
Phillip Salvador and President Duterte

Ipe, umanib na sa PDP-Laban: Anong posisyon kaya ang susungkitin?

ISA si Phillip Salvador sa tatlong personalidad na umanib kamakailan sa PDP-Laban.

Kompirmado nang isa sa kanila ang tatakbo sa pagka-Senador sa next year’s elections, si dating PNP Chief Bato de la Rosa.

Hindi naman porke umanib si Kuya Ipe sa nasabing partido ay may balak din siyang kumandidato (uli).

Nasubaybayan namin ang tinahak na landas sa politika ni Kuya Ipe. Kung matatandaan, una siyang nakipagsapalaran sa pagka-Vice Mayor ng Mandaluyong City pero ‘di pinalad.

Sumunod ay sa Pasay City naman siya nagbalak tumakbo. Rehistrado raw siya sa parteng Pildera malapit sa airport. Pero hindi ‘yon natuloy.

Noong 2016 ay binangga niya si Daniel Fernando sa pagka-Vice Governor ng Bulacan pero hindi siya sinuwerte.

Seeing him raise his right hand bilang kabahagi ng PDP-Laban, ang tanong: if ever, ano naman kayang posisyon ang nais sungkitin ng aktor?

Sa ngayon ay parang aktibo na rin si Kuya Ipe sa politika. Kinakatawan niya si Pangulong Duterte in certain functions kung hindi makadadalo ang huli.

Nasa plantilla kaya siya, Mr. Bong Go?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …