Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Silhouette of a business man

Gay comedian, feeling VIP

IPINAGPAPASALAMAT ng isang grupo ng mga baklang show promoter ang pagiging abala na ngayon ng isang gay comedian sa ibang larangan.

Isinusumpa kasi nito ang umano’y masamang ugali niya nang minsang karayin nila ito sa isang show sa Japan gayong hindi naman siya ang bida sa natanguan nilang raket.

“Juice colored, never again!” korus na tili ng grupo na nadala na nang isama nila ang komedyanteng bayot.

“Imadyin, sabit lang naman siya sa show pero kung makaasta, eh, feeling niya, siya ang main attraction. Sa coaster pa lang, alam naman niyang nagsiksikan na kami sa loob, ang banat ba naman ng fotah, eh, saan daw siya uupo?” kuwento ng isa sa mga bakla.

Sa imbiyerna raw ng grupo ay sinadya nilang iwan ito nang minsang gumala sila. Ikinagalit ‘yon ng baklang komedyante nang magkita-kita sila sa wakas.

“Talagang nagpuputok ang butse niya, kesyo bakit daw namin siya iniwang mag-isa, eh, hindi raw niya alam ang pasikot-sikot sa bansa na ‘yon? Hmp! Mula noon, itinaga na namin sa bato na never na namin siya isasama sa mga biyahe!” naghihimutok ding sey ng mga bayot.

Da who ang feeling VIP na gay comedian? Itago na lang natin siya sa alyas na Ronnel Igado.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …