IMBES magpaapekto at ma-stress sa kanyang mga basher na nilalait ang kanyang ginawang acting video na na-feature sa Paminta Superstar na umani nang libo-libong views, ay nagpapasalamat pa si Dovie San Andres sa kanila.
Katuwiran ng nasabing controversial personality, nag-i-exist siya sa mga active na basher dahil pinapansin ang bawat kilos o mga ginagawa niya.
“Sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, na lahat ay nalampasan ko, ngayon pa ba ako papatol sa mga detractor ko? Matagal na akong nilalait at pinag-tatawanan, ang katuwiran ko, masaya ako sa ginagawa ko and as long as na wala akong atraso sa iyo at tinatapakan, gagawin ko ‘yung gusto kong gawin na walang puwedeng pumigil sa akin,” pahayag ni Dovie na abala sa pagbubuo ng casting ng kanyang first indie movie na “Sumisigaw Ang Puso” na kanya rin ipo-produce.
Very loving and responsible pala si Dovie sa kanyang family sa Canada at kahit malalaki na ang tatlong anak na lalaki ay siya pa rin ang personal na nagluluto ng pagkain nila kasama ang tutok na pag-aalaga sa kanyang maysakit na father na matagal na niyang kapiling sa Canada.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma