WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Las Piñas City Police chief, S/Supt. Marion Balonglong, kinilala ang biktimang si Ma. Annie Furio, walang asawa, residente sa Sitaw St., Evergreen, Pulang Lupa 1 ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9:00 am nang matagpuan ang nakabigting biktima ng kapatid niyang si Daryl Furio sa kanyang kuwarto.
(JAJA GARCIA)