Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo Rannie Raymundo Nina Zaldua #Yato
Lance Raymundo Rannie Raymundo Nina Zaldua #Yato

#Yato ni Lance, ikinokompara sa Why Can’t It Be ni Rannie

NAGING monster hit sa panahon niya (Rannie Raymundo) ang Why Can’t It Be?

At ngayong ang kapatid niyang si Lance naman ang may kantang You Are The One o #YATO, naniniwala si Rannie na sa digital platforms man ito makikilala eh, gagawa rin ng ingay ang kanta at music video nito.

Sinuportahan ni Rannie at ng kanilang butihing inang si Mommy Nina (Nina Zaldua) si Lance nang magkaroon ito ng press listening party sa Black Maria kamakailan.

Kaya ang wish naman ng marami sa mga kaibigan na ni Rannie sa press eh, makita silang dalawa na mag-collaborate o magsama rin sa isang show o concert.

Idol ni Lance si Rannie sa pagkanta. Pero saludo naman si Rannie sa pagiging isang aktor din ng kapatid.

Kung may image noon si Rannie na playboy, si Lance naman eh, nagtatagal ang mga relasyon.

Nagawa niya nga ang #YATO para sa 2nd girlfriend niya. At muli niya itong ini-record. Ang unang girlfriend niya eh dumating sa panahon ng kanyang kabataan. Ang ikatlo naman, dance music ang nagawa niya.

Pero ngayon-zero ang lovelife niya dahil gusto niyang mag-concentrate sa patuloy na paggawa ng musika.

Dating every now and then. Isang tao lang. Pero not in a relationship pa rin. Ayoko lang muna.”

Kung sino ang next na #YATO sa puso ni Lance eh, one big question mark.

No, hindi naman pinapakikialaman ni Rannie ang lovelife ng kapatid at sariling buhay na nito ‘yun.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …