Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Penelope Belmonte NPDC
Penelope Belmonte NPDC

Sobrang laruan ipamasko — NPDC

KAUGNAY ng nalalapit na Kapaskuhan, nanawagan si National Parks Development Committee (NPDC) executive director Penelope Belmonte sa mga may sobrang laruan na huwag itapon at sa halip ay i-donate sa mga alagang bata ng “We Care, Day Care” (WCDC) center.

Ang nasabing center ay itinatag ni Belmonte may ilang buwan na ang nakalilipas upang tulungan ang mga batang mahihirap at nakatira sa kalsada, ganoon din ang kanilang edukasyon sa antas nursery.

“We call on those who have more in life to please share their blessings. Instead of throwing away old toys, donate them. They will go a long way to make less-privileged children happy,” ani Belmonte at aniya, ang mga interesadong mag-donate ay maaaring magbigay nang direkta sa mga batang nasa WCDC.

Ayon kay Belmonte, maging ang mga gamit na damit at vitamins ay “welcome” din at malaki ang maitutulong sa mga ginagawa ng tauhan ng NPDC upang maiparamdam kahit paano sa mga bata ang normal na buhay.

Ang WCDC center ay nagsasagawa ng mga aktibidad na tulong sa mga batang kalye at mahihirap, kasama ang pagibigay ng mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain, damit at gamot.

Binibigyan din sila ng nursery education at wastong hygiene upang mailayo sa anumang uri ng sakit na dulot ng poor hygiene.

Tuwing Biyernes ay pinangungunahan ni Belmonte ang “Children’s Day” sa pamamagitan ng pagtitipon niya sa mahihirap na bata na nagkalat sa paligid ng NPDC para pakainin at i-tour sila sa mga palaruan at sa buong parke.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …