TINIYAK ni Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” dela Rosa ang seguridad sa loob ng New Bilibid Prison kay retired Army Major General Jovito Palparan na nahatulang guilty sa pagdukot sa dalawang UP students noong 2006.
Sinabi ni Dela Rosa, handa ang kanilang pasilidad kapag ibiniyahe na roon si Palparan.
Banggit ni Dela Rosa, walang problema sa pagiging heneral ni Palparan dahil may heneral din na nakapiit sa Bilibid, tulad ni Major General Carlos Garcia, na nahatulan na rin ng korte.
Tiniyak ni Dela Rosa ang kaligtasan at seguridad ni Palparan habang nasa loob ng Bilibid.