IKINATUWA ng mga makakaliwang kongresista ang hatol na “guilty” kay dating Heneral Jovito Palparan kaugnay sa pagkawala ng dalawang estudyante sa University of the Philippines (UP) na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.
Ayon kina ACT Teachers representatives Antonio Tinio at France Castro, si Palparan ang nasa likod ng pagpatay sa daang-daang aktibista at mga tagapagtangol ng karapatang pantao sa ilalim ng administras-yong Gloria Macapagal Arroyo na kasalukuyang House Speaker.
“Palparan is the man behind hundreds of deaths and disappearances of human rights defenders and activists during the administration of then President and now House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo,” ani Tinio at Castro.
Anila, ‘yung hatol kay Palparan ay dapat mag- udyok sa pagsingil sa mga militar, pulis at iba pang ahente ng gobyerno na sangkot sa human rights violations tulad ng extrajudicial killings, illegal arrests at detention sa ilalim ng Oplan Kapayapaan.
Ayon kina Tinio at Castro dapat rin ikulong ang mga responsable sa patuloy na patayan, ilegal na pag-aresto at detensiyon sa ilalim ng Oplan Tokhang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Palparan ay nahatulan sa dalawang bilang ng kasong kidnapping at serious illegal detention.
Kasama ni Palparan sa hinatulan ng Malolos City Regional Trial Court (RTC) sa Bulacan kahapon sina Lt. Col. Felipe G. Anotado Jr., at Sgt. Edgardo Osorio sa pagdukot kay Cadapan at Empeno sa Hagonoy, Bulacan noong 26 Hunyo 2006. (Gerry Baldo)