Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klaudia, aminadong nagtangkang mag-suicide nang hiwalayan ng asawa

HINDI maiwasan ni Klaudia Koronel ang mapaiyak kapag napag-uusapan o naalala niya ang kanyang buhay may-asawa.

Nasa bansa ngayon ang dating Seiko at Regal star para magbakasyon at sinabi niyang kapag binabalikan ang nang­yaring diborsiyo sa kanila ng da­ting mister ay hindi niya maiwasang mapaiyak.

“Kapag nagkukuwento ako sa mga nangyari noon sa buhay ko, lalo na sa marriage ko, umiiyak talaga ako e, kahit ang tagal na niyon,” saad niya sa amin.

Simula pa lang daw ng planong pagpapakasal nila ng kanyang Chinese husband na isang US resident at that time ay nakita na niya ang posi­bilidad na makakaranas siya ng sakit at kabiguan sa isa sa pinakamahalagang aspekto ng kanyang buhay.

“Alam ko naman na sa simula pa lang ng plano naming pag­papakasal, sa prenuptial, sinabi niya sa akin, ‘Hanggang three years lang ang marriage natin.’

Pero dahil pala sa hindi ko pagpirma ng prenuptial, naging lungkot pala sa sarili niya iyon. Hindi siya masaya, tapos lagi niyang sinasabi, ‘This is not enough, this is not enough.’

“Parang, mayabang man sabihin, ang laki-laki ng bahay namin, tatlo ang kotse namin, may business kami, marami ka­ming properties, but lagi niyang sinasabi, ‘This is not enough.’ Parang hindi pa rin siya masaya. ‘Tapos, kaunting problema lang, ‘I will divorce you!’

“Inuna ko ang pagmamahal ko sa taong… iniwan ko kayo, iniwan ko ‘yung career ko, iniwan ko ang family ko, iniwan ko ‘yung anak ko, dahil sa pag­mamahal ko sa lalaki,” pigil ang pag-iyak na saad pa ni Klaudia.

Dagdag niya, “Birthday ko pa noon nang nag-divorce kami… Naaalala ko pa, noong year na iyon ay namatay ang papa ko at naghiwalay kami ng asawa ko, kaya dalawang mahalagang lalaki ang nawala sa buhay ko.

“Three years pa lang ako sa Amerika that time and feeling ko ay, ‘Paano kaya ako mabubuhay mag-isa?’”

Nabanggit pa ni Klaudia na ang kanilang divorce ng mister niya nagbunsod upang pagtang­kaan niyang mag-suicide nang uminom siya ng gamot at naglas­las.

“Ayaw ko nang mabuhay, kasi pag ininom mo ‘yun, unti-unti liliit ang puso mo.

“Unti-unti, mamamatay ka.

“Nilalaslas ko rin ang sarili ko, para makita ng asawa ko, maa­wa siya sa akin. Tapos, niyayakap naman niya ako, sa­sabihin niya, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be depressed? Nandito pa naman ako. This is just a piece of paper.’  Kasi nga ayaw kong makipaghiwalay e, pero paper lang daw ‘yun,” madamdaming kuwento pa ni Klaudia.

Idinagdag ni Klaudia na dahil sa matinding depression ay dumating sa puntong kinu­wes­tiyon niya ang Diyos.

“Dumating sa puntong na­galit ako sa Diyos noong na-receive ko ‘yung divorce papers ko, lumabas ako ng care home ko, lumuhod ako sa labas at tumingin ako sa taas. ‘Pinag­lal­aruan Mo ang buhay ko. Parang pinaglalaruan Mo ang buhay ko mula noong bata, mahirap ako, tapos binigyan Mo ako ng father na nananakit. Tapos pinaganda Mo ang buhay ko, pinadala Mo ako rito sa Amerika. Tapos nga­yon eto ang nangyari, nawala ang asawa ko. Ano ang gusto Mong gawin ko sa buhay ko?’

“Galit talaga ako kaya ‘yung nasabi ko, ‘Patayin Mo na lang kaya ako! Kasi napapagod na ako sa hirap na ibinibigay Mo sa akin. Naging mabuti naman ako. Inayos ko ang buhay ko pati ang pamilya ko. Bakit parang pinaglaruan Mo ako? Ano ba talaga ang plano Mo sa akin?

“Madilim ang buhay ko noon. Madilim ang paligid ko. Nagka-nervous breakdown ako. Mag­ha­pon magdamag akong umi­iyak. Hanggang du­mating ‘yung point na parang gusto kong mag­wala.”

Ngunit dahil sa tulong, payo, at patnubay ng mga nakatataas sa INC (Iglesia ni Cristo), ang tiwala niya sa Diyos ay nag­balik at muling inayos ni Klaudia ang kanyang buhay. Isina­alang-alang niya ang kanyang mahal na ina, ang nag-iisa niyang anak, at mga kapatid upang muling maging maganda ang pananaw sa buhay at ma­ki­baka sa mga dagok at pag­subok na darating pa sa kanya sa hinaharap.

Umaasa si Klaudia na sa kanyang pagbabalik sa Ameri­ka sa October 5, muling ngingiti sa kanya ang kapalaran para salubungin ang bagong buhay na minimithi niya, hindi lang para sa sarili kundi higit, para sa kanyang mga mahal sa buhay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …