Saturday , December 28 2024

Epy, abala sa short film at music video

MAY panibago na namang festival na parating. Ito naman ang masasabing advocacy filmfest dahil ang mga istorya ng pelikula ay sumasalamin sa buhay ng mga magsasaka. Ang mga taong naglalagay ng pagkain sa ating hapag-kainan. At dahil ito sa producer na si Dra. Milagros O. How.
Sa pagpanaw ng kanyang trusted director na si Maryo J. delos Reyes, ang responsibilidad ngayon ay naiatang sa mga balikat nina Festival Chairman Bibeth Orteza katuwang sina direk Joey Romero at direk Laurice Guillen.
Mula September 12-18, 2018, anim na pelikula ang matutunghayan kasama ang short films na huhusgahan nina Manet Dayrit, Jerrold Tarog, Sigrid Andrea Bernardo, Mel Chionglo, at Moira Lang (feature films) at sina Raymond Red, Cesar Hernando, at Rolando Tolentino (short films).
Kabilang sa mga pelikula ang Tanabata’s Wife, Alimuom, Kauyagan,  Mga Anak ng Kamote, Sol Searching, at 1957.
Ang mga pelikula sa 3rd ToFarm Film Festival ay mapapanood sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1, at Gateway. Mayroon ding provincial screenings sa Gaisano Davao at Robinson’s Legaspi. At sa Robinson’s Naga naman ay matutunghayan ang 1957 na buong-buong kinunan sa Iriga.
Ang isa sa mga bida sa Alimuom na si Epy Quizon ay gumagawa na rin pala ng mga short film. At sa Mayo 2019 niya ito ibabahagi sa mga manonood.
“But this year, I directed a music video (which he showed us sa presscon ng ToFarm). Mala-‘We Are the World’ ang peg dahil sa rami ng artists na umawit ng isang kantang ninanais kong maging unity song, hindi lang ng mga taong nasa Mindanao kundi para sa buong bansa. There’s Ebi Dancel, Bayang Barrios, Jet Pangan, Kyla, Eric Santos, Cookie Chua, and more. And then, will do several forums.
“No, wala akong plano sa politika. Just like my dad na mahilig mag-kuwento ganoon din ang gusto kong magawa lalo na para sa mga kababayan natin sa Mindanao para mas maintindihan natin sila. At tayo rin sa kanila. The best way is to write a song.”
Bakit wala sina Zia Quizon, Zsa Zsa Padilla o maski ang ibang mga kapatid niya?
“Tinawagan ko naman siya. Nag-iba ‘ata number si Zia. At saka ang tema ng kanta eh, iba. Hindi ko pa isine-share kasi I want it to put sa YouTube para hindi pasa-pasa lang ng link.”
Abala pala si Epy sa kanyang Mind Fuel Productions. A company doing AVP’s for corporations like Petron.
Inamin naman niya na may mga anak na siya. Pero walang karelasyon. Ang focus niya eh, nasa trabaho niya.
Bago nga pala ang Alimuom, panoorin muna siya ngayon sa Goyo: Ang Batang Heneral ng TBA Studios, Artikulo Uno Productions, at Globe Studios na pinagbibidaan ni Paulo Avelino.
“Ako si Apolinario Mabini. Na talagang kailangang mapanood ng mga tao, lalo na ng mga estudyante. Roon sa ‘Heneral Luna’, the first installment, natanong ako ng mga tao kung bakit ako nakaupo. Some didn’t even know na lumpo si Mabini. Ngayon naman, bakit daw ako nakatayo. Dapat nakaupo lang ako. I am challenged in my role there. And thankful sa producers who trust me with these projects. In ‘Alimuom’ head naman ako ng Ministry of Agriculture. Na hindi mo alam kung bida ba o kontrabida with the character I portray. Futuristic. Sci-fi.”

About Pilar Mateo

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *