Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.6-M shabu nasabat sa 14 tulak

TIMBOG ang 14 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City, nitong Martes ng hapon.
Nakompiska mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa P600,000 ang halaga.
Ayon sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ang anti-illegal drugs operations pasado 5:00 pm noong Martes.
Unang inaresto ang apat suspek sa isang bahay sa Siloe Alley sa bisa ng search warrant.
Ayon sa mga pulis, sa apat suspek kumukuha ng supply ng shabu ang iba pang inaresto sa drug den sa kalapit na eskinita.
Mayroon ding ecstasy tablets na natagpuan sa dalawang bahay.
Itinanggi ng mga arestado na mga tulak sila at iginiit na sila ay drug user lamang.
“‘Yan naman kasi yung mga usual na depensa ng mga nahuhuli natin, but sabi ko nga po sa inyo based po sa ating surveillance na isinagawa, and with the help of our barangay officials, validated po na ito pong mga taong ito, personalities po — indeed involved in illegal drugs,” ayon kay Supt. Giovanni Caliao, QCPD Station 7 Commander.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …