Saturday , November 16 2024

Estudyanteng dalagita sugatan sa ‘saksak tripper’ sa loob ng bus

SUGATAN ang 16-anyos estudyante makaraan saksakin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.
Ginagamot sa Fatima University Medical Center sanhi ng saksak sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang Joysel, Grade 11 student, at residente sa Banana Road, Brgy. Potrero, Malabon City.
Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang pananaksak, tinatayang 30-35 anyos ang edad.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Corazon Nuque, dakong 7:15 am, kapwa nakatayo ang biktima at ang suspek sa loob ng pampasaherong bus habang tinatahak ang kahabaan ng McArthur Highway. Pagsapit sa pagitan ng Shell Gasoline Station at Victoria Court sa Brgy. Potrero, umusog palapit sa biktima ang suspek na armado ng patalim at biglang inundayan ng saksak ang dalagita.
Hindi napansin ng biktima na sinaksak siya ng suspek at nabatid lamang nang ipaalam sa kanya ng kapwa pasahero na siya ay duguan.
Agad bumaba ang biktima, umuwi at nagsumbong sa kanyang ina na siyang nagdala sa kanya sa ospital.
Kamakailan, isang estudyanteng babae rin ang biktima ng pananaksak ng stick ng banana cue sa leeg, ngunit hindi rin niya ito namalayan.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa insidente.

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *