Monday , December 23 2024
Ken Chan
Ken Chan

Tatay ni Ken Chan, may stage 2 cancer (Iniyakan ang kalagayan ng ama)

STAGE 2 cancer of the esophagus ang sakit ng ama ni Ken Chan.

Last month lamang, July, nadiskubre na may sakit ang ama ng Kapuso young actor.

Pero luckily, early detection.

“Kasi si Papa mayroo siyang ano, acid reflux, iyon ‘yung dahilan.

“Dahil sa severe ng acid reflux niya, nasunog ang esophagus niya, nagkaroon ng tumor hanggang sa naging malignant siya.”

Hindi ba ginamot ang acid reflux ng ama niya?

“Iyon ang ginagamot dahil kailangang gamutin po ‘yun dahil iyon ‘yung cause.”

Dati ba ay hindi pinapansin ng ama niya ang acid reflux nito?

“Pinapansin niya, may mga gamot siya, for his acid reflux. Kaya siya nagkaroon ng acid reflux dahil sa mga gamot na iniinom niya dahil nag-kidney transplant po ang Papa ko.

Sa gamot and sa kinakain din.

“So naghalo-halo, naging severe ‘yung acid reflux niya  hanggang sa naging cancer.”

Sa ngayon , ano ang eksaktong kondisyon ng ama niya?

“Nagpapahinga  po siya sa bahay, Inoperahan na po ‘yung esophagus niya, tinanggal na [ang parte na may cancer].

Idinugtong ‘yung esophagus. Luckily, sabi niyong doctor ‘yung cancer niya  hindi pa  lumundag sa lymph nodes, hindi pa lumundag sa ibang part ng organs malapit sa esophagus dahil awa ng Diyos, early detection ‘yung nangyari sa tatay ko po.

So, pero magki-chemo pa rin po kami, iyon ‘yung payo ng doktor, para po masimot, para lahat wala, totally wala ‘yung cancer. At maging cancer-free po ang tatay ko.”

Kailan lamang ay pumanaw ang ina ng male star na si Marlo Mortel sa sakit na cancer.

Nakaramdam ba ng kaba o takot si Ken kapag may mga ganitong kaganapan dahil cancer di ang sakit ng ama niya?

Hindi ako natakot dahil alam kong magiging cancer-free ‘yung tatay ko, eh.

“Natatakot lang po ako dahil iki-chemo ‘yung tatay ko. Hindi ko alam… sana makayanan niya dahil ano po siya, kidney transplant.”

Ayon naman sa doktor ay kakayanin ng ama ni Ken ang chemo.

So everytime na iki-chemo po siya nasa hospital po siya, two days, hindi po siya ‘yung outpatient, nasa hospital lang po siya.”

Nakausap namin si Ken sa mediacon ng My Special Tatay ng GMA.

Gaganap dito si Ken bilang si Boyet na may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.

Kasama rin sa show sina Jestoni Alarcon, Teresa Loyzaga, Carmen Soriano, Lilet,Candy Pangilinan.

May special guest roles sa My Special Tatay sina Matt Evans, Empress Schuck, Valeen Montenegro, Ashley Rivera.

Regular cast members naman sina Arra San Agustin, Jillian Ward, Rita Daniela, Bruno Gabriel, at JK Giducos.

Sa direksiyon ni LA Madridejos kasama ang second unit director na si Conrado Peru, mapapanood na ang My Special Tatay simula ngayong hapon.

INIYAKAN
ANG KALAGAYAN
NG AMA

AMINADO si Ken na ilang beses niyang iniyakan ang kalagayan ng ama niya pero never siyang umiyak na kaharap ang ama.

Lakas ako ng tatay ko po, eh.

“Sabi po sa akin ng mama ko, ‘Huwag mong ipakikita sa kanya.’

“Iiyak ako sa loob ng CR, iiyak ako sa… ‘pag kunwari  nasa hospital kami, nasa room kami.

“Tapos  may isang time, isang beses nasa hospital kami, nanonood kami ng ‘24 Oras,’ biglang nakita  niya ‘yung sarili  niya sa 24 Oras, inire-report. Hindi ko po sinabi sa kanya kasi ‘yung tatay ko po, ayaw niya ‘yung nakikita ‘yung mukha niya dahil nahihiya po siya.

”Nagulat siya, wala siyang idea, may picture po niya, ako po ang nagbigay dahil idine-dedicate ko po ‘yung ‘My Special Tatay’ sa kanya.

“Tawang-tawa po siya pero biglang naging seryoso ‘yung topic namin after that.

“Sabi niya sa akin, ‘Anumang mangyari, sobrang proud ako sa iyo.’

“And sabi ko, ‘Pa, etong ‘My Special Tatay’ idinede-dedicate ko sa iyo.’

“Niloloko-loko ko siya.

“Pero noonh hindi ko na makayanan pumunta ako sa CR, doon ko ibinuhos sa CR ng hospital, sa kuwarto po namin.

“Doo ko iniyak dahil ayokong makita  niya na mahina ako  dahil ako ang lakas niya.

“Lalo na sa mga may cancer, dapat hindi natin ipinararamdam sa kanila, na dapat ipakikita natin sa kanila na kaya! Dahil nade-depress sila at ‘yung depression at anxiety ang nagpapalala ng cancer cells.

“Scientifically-speaking, ganoon ang nangyayari, mas nagiging active ‘yung mga cancer cells kung depressed or may anxiety ang isang tao.

“At ikaw ba naman malaman mo na may cancer ka, ano ang mapi-feel mo, ‘di ba?

“So nandito kami, nandito ako para sa tatay ko para pasayahin siya at maging malakas para sa kanya.” 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *