Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayaw ni mayor niyan, color games

KUNG peryahan ang negosyo mo tiyak ‘di ka uubra kay Pasay City Mayor Tony Calixto, dahil ayaw ni Mayor ng sugal na color games, pero tila nalusutan si Mayor dahil may ilang kapitan ng barangay na pasaway kasi inaprobahan ang sugal na color game na ayaw na ayaw ni Mayor. Ang mga pasugalan ng color games ay kapwa matatagpuan sa M. Dela Cruz corner Mary Luz streets sakop ng Barangay 128 at ‘yung isa pa ay matatagpuan sa Cabrera corner Gamban streets.

***

Sabado ng gabi kumpol ang mananaya, karamihan ay pawang mga traysikel drayber kaya pala sobrang taas maningil ng pasahe ang mga hinayupak na drayber! Hindi kaya ang bagong hepe ng PCP 5 ang suwail? Aba Mayor kastigohin mo ang hepe mo, ang ayaw mo siyang ipinatutupad!

***

Hindi maganda sa paningin ng tao ang sugal na color games dahil maging mga kabataan ay nalululong dito, ang hindi alam ng taong bayan na adik dito ay may pandaraya sa nasabing sugal kaya tumatabo ng kita ang operator at nakiki­nabang ang mga kapitan ng barangay pati na pulisya. Isang araw lang mag-operate ang color games bawing-bawi na kasama ang intele­hensiya!

Ang ta­nong, sino kaya ang nasa likod ng sugal na color games sa kabila ng ma­hig­pit na pag­tutol ni Mayor?

ABANGAN ang aksiyon ni Mayor! Magkano kaya ang timbre sa mga kapitan at pulis?

“NO JAY­WALKING”
ANG NAKAPASKEL
PERO BUKAS
ANG TAWIRAN

ANG lakas ng kita at paniket ng mga tauhan ng MMDA, subukan ninyo mga ‘igan dumaan sa EDSA Pasay City sa tapat ng Manila Heritage Hotel, araw-araw ay napakaraming nahuhuli sa kasong jaywalking. E kasi naman may ‘patibong’ na nakikita na may harang na kulay orange ang island pero may espasyo para makatawid ang tao at ang sign board na nakapaskel na “no jaywalking” ay hindi na mababasa kung ikaw ay bababa mula sa pampasaherong jeep, sabay tawid!

Mas mainam kung ang sign board e ilagay sa gitnang espasyo para mabasa ng taong bayan! Kaso, hindi ganoon, may space na tawiran ng tao para agad may tumawid… patibong nga!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …