Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez

Kim, inspired sa bagong manliligaw

INSPIRED magtrabaho ang Kapuso star na si Kim Rodriguez dahil ang manliligaw nitong half Kiwi, half Italian na taga-New Zealand na nakilala niya nang magbakasyon siya sa nasabing bansa.

Kuwento ni Kim nang makausap naming after ng guesting sa Sikat sa Barangay ng Barangay LSFM 97.1, “Ito kung happy ang career, happy din ang lovelife and inspired ako ngayon.

“Bale non-showbiz siya, foreigner siya and nasa getting to know each other stage pa lang kami.

“Taga-saan siya? Taga-New Zealand pero half Kiwi, half Italian siya. ‘Yung dad niya taga-Italy and then pumunta sila ng New Zealand at doon na sila nanirahan.

Nang tanungin naming ang pangalan, “Naku ‘wag na po kasi non- showbiz naman siya at hindi siya ma-showbiz na tao.

“Paano mo siya idi-described? Matangkad, maputi, guwapo, sobrang bait, at gentleman.

“Hindi katulad ng ibang foreigners na ang cold cold. Siya ‘yung ugali niya parang Pinoy din.”

Kuwento pa ni Kim kung paano sila nagkakilala, “Bale kasi ‘yung ibang  relatives namin taga-New Zealand at nagka­taon na ‘yung relatives niya kakilala at kaibigan ng mga kamag-anak ko roon at ipinakilala nila siya sa akin nang magbakasyon ako roon.

“Bale magtu-two years na rin kaming magkakilala and okey naman siya, willing to wait.”

Sinabi pa ni Kim na hindi uso ang ligawan sa naturang foreigner.

“Sa kanila kasi magdi-date lang at ‘pag gusto niyo ang isa’t isa kayo na, ‘yun ‘yung kuwento niya sa akin.

“Pero sabi ko sa kanya ‘di puwede ‘yung ganoon sa Pilipinas dapat manligaw siya at umoo naman ha ha ha.

“Sabi ko kasi paano namin malalaman ang isa’t isa kung hindi siya manliligaw.”

Ipinakilala na rin niya ito sa kanyang ina at sinabing, “Okey naman sa kanya, mabait at may respeto. Si Mommy kasi kung saan ako masaya sinusuportahan niya ako.

Basta sabi niya lang pumili ako ng lalaki na hindi lang ako ang mamahalin kung hindi pamilya ko rin.”

At nang tanungin naming kung kailan niya ito balak sagutin, sagot ng aktres, “Wala pa kasi akong planong mag-boyfriend kasi gusto ko munang mag-focus sa career ko ngayon, sa family and sa business.”

Umaasa pa ni Kim na ang naturang foreigner na ang Mr. Right na hinahanap niya. “Pero ‘yun lang hindi naman kasi natin hawak ang panahon if hangang kailan niya kayang maghintay and kailan ba ako ulit magiging ready na ma-in-love.

“Who knows ‘di ba baka bigla na lang isang araw ‘pag gising ko sagutin ko na siya. Ikaw ba naniniwala ka sa long distance love affair?

“Actually kung magiging kami naman I believe in faith. Kung para kami sa isa’t isa kami talaga.

“Rati kasi hindi ako naniniwala pero ngayon na-realize ko na baka puwede.

“Bibigyan mo lang siguro ng chance na i-try para malaman mo na baka nga naman puwede,” pagtatapos ni Kim.

MATABIL
ni John Fontanilla


Arjo, excited maka-eksena sina Maricel at Angel
Arjo, excited maka-eksena sina Maricel at Angel
Tonton, isa ng certified Beautederm baby
Tonton, isa ng certified Beautederm baby
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …