Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blanktape

Blanktape, nominado as Novelty Artist of the Year sa Star Awards for Music

MASAYA ang rapper/com­poser na si Blanktape sa nata­mong nominasyon sa 10th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club para sa kategoryang Novelty Artist of the Year.

Pakli ni Blanktape, “After a long year, very happy po ako sa nakuha kong nominasyon sa PMPC Star Awards for Music.”

Nominado si Blanktape para sa kantang Gusto Mo, Loadan Kita mula Star Music. Kabilang sa iba pang nominado sina Awra –Clap, Clap, Clap (Star Music), Jojo Alejar – So Long Talong (Star Music), Nar Cabico –Gaga (GMA Records), at Neo ‘Kuya E’ De Padua –Tinapay (Big Eyes Events and Productions).

Noong 2012, nanalo si Blank­tape sa PMPC Star Awards for Music as Rap Artist of the Year at Rap Album of the Year.

Si Blanktape ang Head Manager at in-house producer ng Lodi Records na bagong label ng Star Music. Ang latest single niya ay Di Mo Lang Alam. Sinabi niya ang kanyang plano para sa Lodi Records.

“Ang next plan ko ay mag-discover nang mag-discover po ng bagong talents, para mabig­yan ng pagka­kataong makilala at sumikat. Bale sa nga­yon, 12 na po kami lahat. Pla­no ko at ng Lodi ang ga­wan mu­­na sila ng single bawat isa, then i-endorse sa media. Then sa mga e­vents na rin and com­mer­cials po kapag may­roon.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Pauline Mendoza, iniyakan ang pagdamay ng basher sa inang may cancer
Pauline Mendoza, iniyakan ang pagdamay ng basher sa inang may cancer
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …