Tuesday , November 5 2024

Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

BILYON-BILYON ang nawawala sa gobyerno dahil hindi idinedeklara ng tinaguriang Lord of Scent na si Joel Cruz ang kinikita ng kanyang kompanyang gumagana ng iba’t ibang pabangong pang-masa.

Kaya naman gusto nating tanungin ang Bureau of Internal Revenue (BIR), totoo bang halos P6.4-B ang tax liability ni Cruz sa gobyerno?!

Kamakailan, ‘yan ang ibinunyag ng nagpapakilalang businesswoman na si Ms. Kath Dupaya.

Sabi niya, “At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman.” 

Ayon kay Ms. Dupaya, sa isinagawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi nakarehistro sa BIR.

Ganoon din umano ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio.

Aniya, “Ang mansion ni Joey ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250 parang entrance pero walang receipt na ibinibigay.

Bukod sa mga nasabing propriedad, mayroon din siyang properties sa Canyonwoods sa Batangas, Manila, at Baguio, ang Chino Hills sa California, USA, isang Beach pa sa house sa USA, at isang building sa USA.

Totoo rin ba ang ibinunyag ni Dupaya na noong 2010 pa ay hindi na nagpa-file ng income tax?

Kung totoo ito, aba e bakit hindi hinahabol ng BIR si Joel Cruz?!

Ganyan ba talaga ang BIR? Kapag supposedly big time taxpayer ay masyado silang maluwag?!

Pero kapag middle or lower businessman ay grabeng ginigipit at kinukuwentahan ng pagka­laki-laking bayarin sa buwis.

Kung hanggang ngayon ay hindi pa nahahabol g BIR si Joel Cruz, palagay natin ay panahon na para busisiin ang ‘sinasabing’ utang niya sa gobyerno.

Kung ang mga negosyanteng gaya ni Joel Cruz ay nababantayan ng BIR at nakapagbabayad ng tamang buwis, palagay natin ay walang dahilan ang gobyerno para gumawa ng TRAIN Law na ang labis na pinahihirapan ay maliliiit na nego­s-yante at maliliit na mga konsyumer at mga mamamayan.

Commissioner Cesar Dulay Sir, sabi nga ni Ms. Dupaya, Ikaw na ang bahala kay Joel Cruz. 

Panahon na, Mr. Commissioner!


‘Move on’ na walang sorry puwede ba ‘yun?

READ: ‘Move on’ na walang sorry puwede ba ‘yun?


sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *