Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?

BILYON-BILYON ang nawawala sa gobyerno dahil hindi idinedeklara ng tinaguriang Lord of Scent na si Joel Cruz ang kinikita ng kanyang kompanyang gumagana ng iba’t ibang pabangong pang-masa.

Kaya naman gusto nating tanungin ang Bureau of Internal Revenue (BIR), totoo bang halos P6.4-B ang tax liability ni Cruz sa gobyerno?!

Kamakailan, ‘yan ang ibinunyag ng nagpapakilalang businesswoman na si Ms. Kath Dupaya.

Sabi niya, “At alam n’yo ba na ang total na binayaran lamang ng Central Affirmative Co., Inc., (CACI), kompanya ni Cruz, sa loob ng 10 taon ay P14,807,987.19. Kaya pala ganoon siya kayaman.” 

Ayon kay Ms. Dupaya, sa isinagawa nilang research, ang state of the art factory ni Cruz, ang Sterling Industrial Park na nasa Meycauayan, Bulacan ay hindi nakarehistro sa BIR.

Ganoon din umano ang Forest Lodge Hotel ni Cruz sa Baguio.

Aniya, “Ang mansion ni Joey ginawang tourist spot sa Baguio na bago ka makapasok sa loob at mag-tour ay kailangang bumili ng pabango worth P250 parang entrance pero walang receipt na ibinibigay.

Bukod sa mga nasabing propriedad, mayroon din siyang properties sa Canyonwoods sa Batangas, Manila, at Baguio, ang Chino Hills sa California, USA, isang Beach pa sa house sa USA, at isang building sa USA.

Totoo rin ba ang ibinunyag ni Dupaya na noong 2010 pa ay hindi na nagpa-file ng income tax?

Kung totoo ito, aba e bakit hindi hinahabol ng BIR si Joel Cruz?!

Ganyan ba talaga ang BIR? Kapag supposedly big time taxpayer ay masyado silang maluwag?!

Pero kapag middle or lower businessman ay grabeng ginigipit at kinukuwentahan ng pagka­laki-laking bayarin sa buwis.

Kung hanggang ngayon ay hindi pa nahahabol ng BIR si Joel Cruz, palagay natin ay panahon na para busisiin ang ‘sinasabing’ utang niya sa gobyerno.

Kung ang mga negosyanteng gaya ni Joel Cruz ay nababantayan ng BIR at nakapagbabayad ng tamang buwis, palagay natin ay walang dahilan ang gobyerno para gumawa ng TRAIN Law na ang labis na pinahihirapan ay maliliiit na nego­syante at maliliit na mga konsyumer at mga mamamayan.

Commissioner Cesar Dulay Sir, sabi nga ni Ms. Dupaya, “Ikaw na ang bahala kay Joel Cruz.”

Panahon na, Mr. Commissioner!

‘MOVE ON’ NA
WALANG SORRY
PUWEDE BA ‘YUN?

HINDI umubra ang hirit na ‘move-on’ ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa millennials.

Ang sabi niya, ‘yung millennials daw nag-move-on na bakit ‘yung older generations na kasabayan niya e parang nababalaho pa.

Mahirap talagang sabihin ‘yun, lalo roon sa henerasyon na isinakripisyo ang kanilang mga pangarap para sa sarili at sa pamilya para luma­hok sa mga organisasyong luma­laban noon sa diktadura at ipagkaloob ang kanilang buong oras (fulltime) nang libre at wala ano mang kapalit.

Marami ang hindi nagtapos noon sa kolehiyo dahil lumahok sa pakikibaka laban sa dikta­dura. Nang bumagsak ang diktadura marami sa kanila ang nawalan ng fallback. Nagkaroon ng pamilya pero nahirapan sa buhay kasi nga walang regular na hanapbuhay.

Ang isang posotibo lang doon, marami sa kanila ay mga survivor. Ang iba ay nanatili sa politika, may pumasok sa media, sa local govern­ment units (LGUs), mayroon din sa pribadong mga kompanya, humanitarian groups at iba pa.

Pero definitely, iba dapat ang buhay nila kung nagtapos sila sa kolehiyo at kumarera.

Pagkatapos, magsasalita ngayon ang anak ng ‘pinatalsik’ na dikatador na mag-move on?!

Sonabagan!

Ang hirap naman no’n!

At ang isa sa dapat at importanteng ginawa nila ay mag-sorry. Pero hindi pa sila nagso-sorry, pagkatapos move-on na lang daw?!

OMG!

Wala naman daw kasing ebidensiya. E ano pala ‘yung mga nakompiskang art works, jewellery at ang walang kamatayang kuwento tungkol sa gold bars?!

Drawing ba lahat ‘yun?!

Mukhang kayo lang ang naka-move-on Madam Imee dahil balak pa ninyong tumak­bong senador. At mukhang game na game na kayo…

I wish you luck, Madam!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *