Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gina Alajar Nora Aunor Onanay
Gina Alajar Nora Aunor Onanay

Gina, kabado sa pagdidirehe kay Nora

UNANG beses na naging direktor si Gina Alajar ni Nora Aunor at ito ay sa Onanay ng GMA.

Ano ang unang pumasok sa isip ni Gina at ano ang naramdaman niya noong una niyang malaman na ididirehe niya ang Superstar sa Onanay na gaganap bilang si Nelia?

“Siyempre ‘di ba, ‘Whoa! Whoa! Talaga ba?!’,” at tumawa si Gina.

Hindi ba siya agad naniwala na “mahahawakan” niya ang Superstar sa isang TV project?

“Well, hindi mo alam kung maniniwala ka o hindi, kung totoo o ano, kung matutuloy or hindi.

“Kasi noong sinabi sa akin ‘yun, ano eh, under negotiations pa kay Guy.

“So may araw na oo, may araw na  hindi, ‘yung ganoon.

“May araw na backout, may ganoon.

“So… but we were, kami ni Miss Helen (Rose Sese, GMA’s Senior Program Manager), we were praying na sana tanggapin niya.

“Kasi you know she will be really very, very good for the project.

“’Yung ganoon.”

At nang sa wakas nga ay natuloy na ang Superstar sa Onanay”O eh siyempre kinakabahan ako ‘di ba,” at tumawa si Gina. “Dahil you don’t direct her, you don’t direct a Nora Aunor.

“So siyempre binabantayan ko ‘yung sarili ko, baka mamaya madulas ako, hindi ba,” at tumawa si Gina.

“Baka mamaya biglang nakakalimot ako sa sarili ko sabihin ko sa kanya, ‘Guy, dito ka, ha?’

“Yung ganyan, ‘Ganito ang gawin mo, ha?’

“So siyempre very ano ako, very careful, very careful ako na you know, na ‘yung pagkausap ko sa kanya will not sound as if I’m giving her directions, you know.

“Because I know, she knows what to do.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …