READ: Eat Bulaga nagbalik-tanaw sa ika-39 taon sa local TV Selebrasyon ng anibersaryo Non-stop ang sorpresa
READ: Miss Granny Movie ni Sarah Geronimo, amoy na amoy na magiging blockbuster
MARAMI rin plano ang friend naming talent manager na si Ronnie Cabreros para sa kanyang alaga at pamangkin sa tunay na buhay na si Christian Gio.
At dahil wholesome ang image ni Christian panay ang audition niya sa TV commercial at umaasa ang young actor/model/event host na makuha siya sa mga produktong makapag-auditionan siya lalo’t nakikita naman niyang bagay siyang mag-promote nito.
Oo naman puwedeng-puwede maging endorser si Christian ng clothing company o kaya food chain. Pagdating naman sa movies konting paghihintay na lang at sasabak na rin sa paggawa ng indie movie ang kanilang idol na actor.
At siyempre hindi magpapa-sexy rito si Christian dahil bukod sa boy next door ang image niya ay strict ang kanyang parents sa province at maging ang tiyuhing si Ron ay hindi rin papayag na maghubad siya sa big screen.
Marami pala ang nakawi-witness sa pagkakahawig ni Christian sa matinee idol singer-actor na si James Reid. Well, nagsimula rin sa pagiging nameless noon si James at ngayon ay isa na ang actor sa tinitingala sa showbiz at malay niya, dumating din ang oras para sa kanya (Christian) at sumikat rin siya nang husto sa showbiz.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma