READ: It’s incredible to be next to Popstar Princess — James to Sarah
READ: Direk Joyce, pinuri si Sarah: Kakaiba siya, matutulala ka talaga sa kanya
SA wakas mapapanood na rin ang pelikulang The Lease, isang psycho-horror movie na pinagbibidahan nina Garie Concepcion, Harvey Almoneda, at Ruben Maria Soriquez sa Agosto 22, na idinirehe ng Italian director na si Paolo Bertola at base sa nobela ni Mario Alaman.
Hindi natuloy ang unang playdate ng pagpapalabas nito dahil nagkaroon ng mga ilang problema. Bagamat nalungkot ang Utmost Creative Productions, ang producer ng The Lease sa nangyari, nakatulong ang hindi agad pagpapalabas nito.
Ayon sa producer, nagkaroon sila ng kaunting problema ukol sa bilang ng mga sinehang pagpapalabas ng The Lease (kaya naantala).
“Pangkaraniwan naman sa mga indie film maker o sa producers ng indie film, pagdating sa releasing ng film, the assurance of the number of theaters medyo mahirap. That’s the real reason. Hindi naman namin kailangan pang itago. On our first attempt ng releasing, medyo kaunti ang theaters na nai-provide sa amin.
“Something na parang it’s gonna be a waste of time and money and effort kung ire-release siya. That’s why we asked the booking theaters if we can move the playdate. Kasi on that, we can also plan para sa mga additional exposures.”
At dahil nga sa nangyari, nagkaroon pa sila ang exposures o pagpo-promote. ”Then we up the LED billboard sa Edsa, Malibay in Pasay and we also provide 10 buses all around Metro Manila (dala-dala ang The Lease posters). I also asked the marketing team to go to the stores, salon, something like that. ‘Yung sabihin natin na hindi tipikal na ginagawa ng isang production, ginawa natin para to make sure na kahit paano makuha natin ‘yung target natin na audience.
“Ibinigay sa amin ‘yung August 22, although we know may malaking kabangga, iyon na ‘yung industry natin, andiyan na sila bago kami. Kung gagawin namin na hindi na naman ituloy o idelay na mas matagal baka rin hindi na maging ganoon ang dating ng mga tao,” paliwanag pa ng producer na ang ibig sabihin ay baka mabantilawan.
“Okey na ‘yung pagkakaluto niya. ‘Yung una ay hilaw baka naman kapag natagalan pa eh masunog naman,”sagot pa ng producer na noong Biyernes (Agosto 17) malalaman kung ilang mga sinehan ang maibibigay sa kanila.
Pagtatapat pa ng producer, mas nakatulong ang pagkaantala ng pagpapalabas ng The Lease dahil mas nai-promote pa nilang maige ang pelikula. ”Yes kasi may mga comment, may mga natanggap kaming inquiries na unexpected. Kasi ang akala talaga namin, walang nakakaalam ng movie. But we found out na mayroon pala!
“In our side, it’s kind of a marketing strategy. But of course it’s also might question our credibility kung bakit hindi na push ang unang playdate. Nut we can say naman na we are ready. Ready on Aug. 22 to release the film.”
Aminado pa ang producer na medyo nagka-trauma siya sa nangyari pero hindi iyon nangangahulugan na hindi na sila magpro-produce pa. ”Definitely magpo-produce pa kami,” giit pa ng producer.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio