Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perla Bautista, masaya na muling nagbida sa pelikula

READ: MNL 48 Top 16, di lang pang-‘Pinas, pang International pa

THANKFUL ang beteranang aktres na si Perla Bautista dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa film entry ng CineKo at Cleverminds Production sa Cinemalaya 2018, ang Kung Paano Hihihtayin ang Dapit Hapon kabituin sina Dante Rivero at Menggie Cubarubias.

Kuwento ng beteranang aktres, pabata ng pabata ang mga bida. ”Happy naman ako sa support pero iba rin ang fulfillment na at this age, may mga dumarating pang mga lead role, kaya naman I’m very grateful for this blessing.” 

Ang pelikula ay tungkol sa isang matandang babae na nagmahal, nasaktan, nagpatawad ng dalawang matandang lalaki na ang isa ay nang-iwan, samantalang ang isa naman ay nagmahal ng buong-buo at walang pag-aalinlangan.

Ang Papano Hihintayin ng Dapithapon ay ang pelikulang may komedya, drama, at punompuno ng pag-ibig, at aral.

Ayon pa kay Perla, ayaw niyang mag-expect na manalo ng award para sa Cinemalaya movie ni Carlo Encisu Catu (Ari: My Life with the King).

“Basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho. Kung mapansin, salamat. Kung hindi naman, ang pinaka-reward ko na ay iyong naibigay ko nang husto ang dedikasyon ko sa trabaho ko.” 

“Lahat naman, nangyayari in God’s perfect time. Kailangan lang nating maghintay,” pagtatapos ni Ms. Perla.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …