OPEN na open na pinag-uusapan ngayon ang online sabong.
Alam naman nating lahat na ang mga Pinoy ay mahilig sa dibersiyon na sabong.
Kahit nga tupada pinapatos ‘di ba?!
Pero nauso nga ang online sabong. At karamihan pa nga rito ay ina-accommodate na rin sa mga off-track betting (OTB) station.
Kaya ngayon, ang tanong, legal ba o ilegal ang online sabong?!
Hindi ba’t may isang panahon na laging sinasalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga hinihinalang operator ng online sabong?!
Pero parang biglang tumahimik na rin sila.
Bakit? Legal na ba ang online sabong?
Kung legal ang online sabong, sino ang nagre-regulate?
Ayon kay Game and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra, hindi ito nakapailalim sa kanila.
Ganoon din naman ang Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR), wala raw sa programa nila ang online sabong at hindi nila sakop ‘yan.
E bakit namamayagpag ang online sabong ngayon?
Anong ahensiya kaya ang puwedeng sumagot ng tanong natin?!
Uulitin ko lang po, legal ba o ilegal ang online sabong?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap