Monday , December 23 2024

Kakayahan ni Gen. Eleazar, naungusan ba ni Gen. Esquivel?

NAUNGUSAN nga ba ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito T Esquivel, ang kakayahan ni dating QCPD Director, ngayo’y National Capital Regional Police Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar?

Partikular na basehan ng ating katanungan ang trabaho ni Eleazar noong siya ang direktor ng QCPD… at hindi ngayong direktor siya ng NCRPO.

Dinaig na nga ba ni Esquivel ang pinaka­masi­pag na direktor ng NCRPO?

Hindi naman, at sa halip, ang mga lider ng PNP ay may kanya-kanyang estilo o pagharap sa hamon sa kanila – kung paano nila labanan ang kriminalidad sa kanilang area of responsiblity, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang kampanya para masugpo ang masasamang elemento, kabilang dito ang police scalawags.

Marahil ay tinatanong ninyo kung bakit ganito na lamang ang naging katanungan natin samantala, lahat ay nakakikilala kay Eleazar kung gaano magtrabaho ang mama — talagang buong buhay ay kanyang itinataya para sa bayan.

Halos hindi na nga natutulog ang opisyal. Kapansin-pansin na nga rin ang pangangayayat ni Eleazar.

Ba’t nga ba naitanong natin kung dinaig na ni Esquivel ang kakayahan ni Eleazar noong siya ay naging direktor ng QCPD?

Kung pagbabasehan kasi ang pinakahuling ulat – talaan ng QCPD, malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod bunga ng pagpapatupad ni Esquivel sa kampanya laban sa kriminaliudad at ilegal na droga.

Siyempre, ang aksiyon ni Esquivel ay base rin sa direktiba ni Eleazar bilang NCRPO director.

Sa talaan ngayon ng QCPD malaki ang ibinaba ng krimen partikular sa murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping ng motorcycle at motor vehicle.

Para sa buwan ng Hulyo 2018, aabot sa 342 kaso ang naitala habang 517 noong Hulyo 2017 (panahon ni Eleazar). Bumaba ito sa 33.85%. Aba’y malaki nga ang ibinaba.

Dalawang murder cases ang naitala para sa Hulyo 2018 kompara sa 37 cases noong Hulyo 2017 – bumaba ng 95.59%. Ayos na ayos iyan Heneral Esquivel. Sipag n’yo sir ha. Walang naitalang homicide case kompara sa lima ng parehong period of comparison.

Sa kaso ng physical injury, bumaba ito sa 20.19% – 83 cases para sa July 2018 habang 104 noong July 2017; habang bumaba naman sa 20%  ang kasong panggagahasa – mula 15 (July 2017)  ay 12 kaso lang ngayon taon.

Kung robbery naman ang pag-uusapan, bumaba ito sa 16.84%  (79 cases para sa July 2018)  habang 95 cases noong  July 2017. Habang ang theft ay mula 221 ay naging 142. Bumaba ng  35.75% .

Carnapping naman para sa kotse, at SUV, naibaba ito ni Esquivel ng 14.29% habang sa motorsiklo ay bumaba din ng 45.45%. Mula 33 naging 18 na lamang ang natangayan.

Base sa talaan, dinaig na ba ni Esquivel ang kasipagan at leadership ni Eleazar? Hindi naman at sa halip, naging hamon lang kay Esquivel ang magagandang performance ni Eleazar noong siya ang direktor ng QCPD.

Malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod noong panahon ni Eleazar sa tulong at suporta ng kanyang mga opisyal (kabilang si Esquivel dito) at mga tauhan. Bilang bahagi ng accomplishments nasaksihan ni Esquivel ang lahat kaya naging hamon ito sa kanyang kakayahan.

Dahil dito, maging si Esquivel ay halos hindi na rin natutulog, lalo na’t nakita niya na panay pa rin sa pagtatrabaho ni Eleazar bilang NCRPO Chief.

‘Ika ni Esquivel, “We never rest on our laurels. While we see significant decrease on crimes, we continue to be aggressive in our campaign against criminality and illegal drugs; not to mention the sustained enforcement of laws and city ordinances as well as strong policy on PNP Internal Cleansing to rid the organization of scalawags.”

Gen. Esquivel, sampu ng inyong mga opisyal at tauhan, keep up the good works.

Gen. Esquivel, puwede ka nang maging RD ng PRO 4A sa susunod na taon! Ba’t next year pa? Hindi ba puwede pagkatapos ng kaarawan ni Esquivel ngayong Setyembre 2018?  Puwede! Habang PNP chief naman si Gen. Eleazar next year pagkaretiro ni PNP chief , Dir. General Oscar Albayalde. Why not? Deserving naman ang dalawa.

Linawin natin ang lahat, hindi naman naungu­san ni Esquivel si Eleazar o walang naungusan, kung hindi prayoridad lang ng dalawa ang pag­lingkuran ang mamamayan bilang suporta sa kautusan ni Albayalde at Pangulong Rodrigo Duterte.

Proud to be QCPD!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *