MASAYA at laking pasasalamat ng mga magulang sa mga pampublikong eskuwelahan mula sa elementarya, high school at kolehiyo dahil pinagkalooban sila ng tig-P500 financial assistance kada buwan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay sa administrasyon ni Pasay City Mayor Tony Calixto kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlungsod ng Pasay sa pamumuno naman ni Bise-Alkalde Boyet del Rosario.
Kahanga-hanga ang administrasyong Calixto. Dahil sa mga tulong na rin ni Congw. Emi Calixto-Rubiano sa ibang proyekto ni Mayor Calixto, ang mga natipid na dapat ilaan sa mga proyekto sa tulong ni congresswoman ay inilaan ni Mayor sa financial assistance sa mga estudyante ng public schools.
***
Hindi kukulangin sa 35,000 estudyante sa elementarya, 22,000 sa high school at 6,000 mag-aaral sa City College of Pasay, na ayon sa aking impormasyon ay aabot ng P90 milyon every quarter of the year, suma-total ay P360M kada taon.
***
Isa ito sa masasabi kong basehan ng pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ng Pasay. Kamakailan ay inaprobahan ng Konseho ang P3-bilyong loan sa Philippine National Bank, ito ay isang credit line sa nabanggit na banko upang may magamit ng lokal na pamahalaan sa mas marami pang proyekto.
Ibig sabihin sakaling kakailanganin pa lamang na kaya namang bayaran dahil posibleng umabot na sa P6 bilyon o higit pa ang magiging pondo ng Pasay sa 2019.
***
Marami ang nagulat sa biglang pag-angat ng ekonomiya ng lungsod ng Pasay, isa sa dahilan ang pagkakasundo-sundo ng mga miyembro ng konseho, ng congresswoman at mayor. Nagkakaisa ang lahat sa malaking pagbabago sa lungsod.
***
Idagdag pa ang walang tigil na housing projects ng administrasyong Calixto. Sa wakas ay mawawalan na ng squatters sa lungsod dahil sa pabahay ni Mayor.
***
Kamakailan ay pinasinayaan ang isang Staging Area sa Manukan, Villamor sa lungsod ng Pasay na may 91 units na pansamantalang tutuluyan ng mga residente sa Cuenca St.
Habang itinatayo ang apat na palapag na titirahan ng mga residente. Ang lote na titirikan ay nabili ng Pasay City Government sa NHA upang ilaan ng administrasyong Calixto sa mga pamilyang walang tirahan.
***
May mga lugar na pagtatayuan ng housing project ng Calixto administration at sakaling humalili ang kapatid sa puwesto ni Mayor Calixto, ipagpapatuloy ni Congw. Emi ang lahat ng nakaplanong proyekto na maiiwan ni Mayor Calixto.
***
Saan ka pa? Sarap tumira sa Pasay!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata