Saturday , February 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Namumulot ng maraming barya sa lupa

Gud pm po,

Nanaginip po ako na namumulot ng napa­karaming barya sa lupa, ano po ibig sabihin no’n salamat po. (09309604643)

 

To 09309604643,

Ang panaginip mo ay maaaring nagsasaad na ang tagumpay at kasaganaan ay halos abot-kamay na, dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa. Gayondin, ang pera ay maaaring nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values. Ikaw ay may sapat na tiwala sa sariling kakayahan. Ito ay maaaring nagpapakita rin ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo.

Ang ganitong tema ng panaginip ay maaaring may kaugnayan din sa iyong attitude ukol sa love at matters of the heart. Sa kabilang banda, ang panaginip mo hinggil sa pera ay may kinalaman din sa mga pagsubok at balakid na darating sa iyo. Maaaring ito ay sumisimbolo rin sa buhay na iyong tinatahak at kung gaano kalakas ang kontrol mo sa iyong sariling kapalaran.

Kung ang panaginip na pera ay partikular na tumutukoy sa mga barya, ito ay nagpapakita ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Posible rin naman na may kaugnayan ito ukol sa mga desisyon na iyong ginagawa, pati na rin ang kawalan ng responsibilidad sa mga pasyang ginagawa.

Sa kabilang banda, ang ganitong panaginip ay posible rin namang nagsasaad na ang tagumpay at kaunlaran ay halos abot kamay na. Dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa.

Isa pang kahulugan nito, posible rin na sumisimbolo ang panaginip na ito ukol sa masculine power, dominance, at energy. Ito ay nagpapakita rin ng iyong tiwala sa sariling kakayahan. Alternatively, posible rin na ang bungang-tulog mo ay may kaugnayan sa iyong pananaw ukol sa love and matters of the heart.

Ito ay pangkaraniwang simbolo rin para sa sexuality at power. Partikular na kahulugan ng panaginip ukol sa nakakita o nakapulot ng pera sa bungang-tulog mo ay nagsasaad ng paghahanap sa love o power. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Puregold Pusong Panalo Program

Mas makabuluhang layunin para sa retailtainment ng Puregold: popondohan mga ‘naiiwang’ paaralan

SA paghahangad na pasiglahin ang mga last mile o napag-iiwanang paaralan sa Pilipinas, handog ng Puregold Price Club …

DOST PSU ASIN

DOST, PSU launch country’s first ASIN R&D Center in Binmaley

BINMALEY, Pangasinan — The country’s first ASIN (Salt) Research and Development Center was formally launched …

Pag-IBIG BBM

Pag-IBIG backs precast housing with Megawide, targets over 7,000 units in two years

Pag-IBIG Fund highlighted the role of public-private partnerships and modern construction technology in accelerating socialized …

DOST RSTW 2026 Ilocos

Building a Matatag and Maginhawa Future Through STI at Ilocos Region’s RSTW 2026

The Department of Science and Technology (DOST) officially opened the 2026 Regional Science, Technology, and …

Brian Poe Llamanzares

Poe kinuwestiyon ₱1.8-B bawas sa pondo ng NIA sa Pangasinan
Mas malakas na suporta sa mga magsasaka iginiit

QUEZON CITY — Sa pinakahuling pagdinig ng Northern Luzon Growth Quadrangle Special Committee sa House …