Monday , November 18 2024

Aparato nagkaaberya karera nakansela

NAKANSELA ang ikapitong takbuhan sa karerahan ng Metro Turf matapos na nagkaroon ng abirya ang gamit nilang aparato nung isang gabi araw ng Miyerkoles.

Sa hindi inaasahang pagloloko at pagdamba nung isang kalahok sa loob ng kanyang puwesto ay agarang nagbukas ang pinto ng mga gate habang nagpapasukan pa, kaya kahit may ilang mga kalahok pa ang nasa labas o likod ng aparato ay agarang kumawala yung mga nakapasok na sa kanilang stall/numero. Dahil sa pagkakabigla ay halos nasa tatlong hinete ang na-unseat sa kanilang mga sakay at dalawa diyan ay tuluyan pang kumawala sa pagtakbo.

Mabilis na inaksiyonan naman ng mga miyembro ng MMTCI Board OF Stewards (BOS) ang paghudyat ng kanilang serena at mga ilang minuto lang ay nasundan pa nang anunsiyong kanselado na ang nabanggit na karera dahil sa hindi inaasahang insidente sa pagbukas ng mga pinto sa gate. Pagkaparada ng huling karera ay dumating kaagad ang report mula sa BOS at binasa agad nung nasa panel na si Ginoong Ira Herrera ang paliwanag ng BOS na nagkaroon ng malfunction ang mismong aparato sa Metro Turf.

Anyway, sa Lunes ay paniguradong tatalakayin ang insidenteng iyan ng “Committee on Facilities and Conduct of Races” sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pangunguna ni Chairman Commissioner Lyndon Noel B. Guce. Kaya sa darating na Miyerkoles ay mababasa ninyo ang buong paliwanag sa nangyaring iyan sa Metro Turf.

Bukas ay himay-himayin natin ang tatlong malalaking karerang nakatakdang largahan sa darating na Linggo sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Iyan ay ang 2018 PHILRACOM “4th Leg Imported/Local Challenge Race”, “PCSO National Grand Derby” at isang “Charity Race” para sa isang Scholarship Program ni Mayor Junio Dualan na “Educational For All”.

Ang mga nominado sa 2018 PHILRACOM “4th Leg Imported/Local Challenge Race” ay ang mga kabayong sina Hitting Spree, Hot And Spicy, Sky Hook, Truly Ponti at Weemissjerry na bibitawan sa distansiyang 1,700 meters at may nakalaan na premyong nagkakahalaga na P300,000.00 bilang gross prize sa magwawaging kalahok at halagang P15,000.00 para sa breeder na parehong magmumula sa tanggapan ng PHILRACOM sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez na patuloy na sumusuporta sa Bayang Karerista at industriya ng pakarera sa ating bansa.

Sa gaganaping “PCSO National Grand Derby” ay pinaleng sinalihan iyan ng mga kalahok na sina (1) Manalig Ka Jeff Bacaycay 56.5kgs., (3) Pangalusian Island Pao Guce 55kgs., (5) Brilliance Kelvin Abobo 54kgs., (5a) Sepfourteen John Alvin Guce 55kgs., (6) Mandatum Dunoy Raquel Jr. 55kgs., (6a) Salt And Pepper Unoh Hernandez 55kgs., (7) Scarborough Shoal Pati Dilema at (8) Great Wall Oneal Cortez 55kgs. Ang walong kabayong iyan ay maglalaban sa distansiyang isang milya o 1,600 meters at may nakalaan na primera premyong nagkakahalaga ng P800,000.00 bilang gross prize sa may-ari ng mangungunang kalahok na magmumula sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isa rin sa mga patuloy na sumusuporta sa industriya ng pakarera sa Pilipinas.

Para sa isang “Charity Race” ng PCSO ay nominado diyan ang sampung mananakbo na sina Talitha Koum, Pride Of Laguna, Dreaminthemorning, Certain To Win, Boom Tarat Tarat, Princess Eowyn , Wonderland, Multi Awardee, Fort Mackinley at Disyembreasais. Magtutuos sila sa distansiyang 1,700 meters at may nakalaan na halagang P300,000.00 na paghahatian na may kaukulang porsiyento para sa unang apat na tatawid sa meta.

 

REKTA
ni Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *