Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paalam Pareng Jetz

UNA sa lahat, sa ngalan ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC), kaming mga bumubuo ng asosasyon — mga opisyal at miyem­bro ay lubos na nakikiramay sa pamilya Sinocruz ng Antipolo, Rizal at Pozorrubio, Pangasinan sa pagpanaw ni Jethro “Jets” Sinocruz nitong Sabado, 4 Agosto 2018. Siya ay pumanaw habang nakaratay sa QC General Hospital.

Si Jetz, bilang congress reporter namin ay isa rin sa regular member ng organisasyon. Nag-umpisang magsulat si Jetz noong 2003 sa diyaryong Imbestigador at ang kanyang unang assignment ay sa Makati partikular sa MMDA. Siya ay naging presidente ng Quezon City Press Club.

Nakaburol ang kanyang mga labi sa kanilang bahay sa Brgy. Malasin, Pozorrubio, Pangasinan at nakatakdang ihatid sa kanyang huling han­tungan sa Sabado, dakong 8:00 am, 11 Agosto 2018 sa Pozorrubio Cemetery.

Pareng Jetz, maraming salamat sa mga kasiyahan, tuwa, asaran, at iba pa. Tunay kang kaibigan na hindi malilimutan. Mahal ka namin bro.

Ngayon kasama mo na ang kanyang Dakilang Lumikha, wala nang kalungkutan, sakit o ano pa man at sa halip ay pulos saya at pagpupuri sa Panginoong Diyos.

Mahal ka namin Pareng Jetz.

Akalain ninyo, ang pagpanaw ni Pareng Jetz ay nangyari kinabukasan matapos ang isang ma­sa­­­ya’t matagumpay na botohan para sa new set of officers ng QCPD Press Corps. Katunayan, kung malakas-lakas si Jetz nang kasalukuyang nagaganap ang eleksiyon, malamang nakasama namin siya at nakaboto.

Hindi rin kasi matatawaran ang pagsuporta ni Jetz sa press corps partikular sa inyong lingkod. Maraming salamat uli p’re.

Napag-usapan na rin lang natin ang katatapos na eleksiyon sa QCPD Press Corps. Uli, ang inyong lingkod mula sa pahayagang ito (HATAW) ay naihalal bilang presidente. Nakatataba ng puso.

Siyempre, sa pagbibigay ng panibagong pagkakataon, nais kong pasalamatan ang mahigit sa 100 miyembro ng press corps sa patuloy na pagtitiwala.

Sa naganap na halalan nga pala, wala po tayong nakatunggali sa posisyon, hindi tulad noong 2017.

Maraming salamat uli sa inyo – aking mga minamahal na miyembro. Naihalal naman bilang Vice President si Val Leonardo (Remate); Secretary – Analyn Labor (Tribune); Treasurer – Nonoy Lacza (Business Mirror); Auditor – Boy Santos (Phil. Star); PRO – Rod Vega (GMA – DzBB); Sgt @ Arms – Alex Mendoza (Hataw) at Fredie Salcedo (DWAD) Chairman of the Board – Jan Sinocruz (Remate); Directors – Jun Mestica (Remate); Danny Querubin (Remate); Luisito Santos (DzBB); Peter Lacang (Pilipino Mirror): Manny “Ang mga buang” Palmero (Mla. Standard); Ryan Ang (TV 5); Jeff Gallos (Bulgar); Isay Reyes (ABS CBN 2); at Rolly Salvador (Malaya).

Congratulations sa atin lahat at maraming salamat sa patuloy na pagsuporta.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …