Friday , November 15 2024

Anino ng terorismo

HINDI maitatanggi na hanggang ngayon ay may mga pagkakataon na nalililiman pa rin tayo ng anino ng terorismo na kahit paunti-unti ay biglaang nagpa­param­dam ng kalupitan sa ating kawawa at wa­lang kamalay-malay na mga mamamayan.

Kamakailan nga lang ay muli itong naganap nang makalusot na naman ang mga terorista sa dapat sana’y mahigpit, tuloy-tuloy at walang puknat na pagbabantay ng ating mga militar nang magpasabog sila ng bomba sa loob ng isang van sa security checkpoint sa Lamitan, Basilan. Aka­lain ninyong pinahinto lang umano ng mga kawal ang sasakyan na naglalaman ng mga bomba na biglang pinasabog ng driver nito.

Ayon sa malupit na grupo ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), sila ang nasa likod ng naturang suicide attack na pumaslang sa isang sundalo, limang militiamen ng gobyerno, apat na sibilyan at pati na sa mismong driver ng van. Ayon sa grupo ng mga Amerikano na nagmo-monitor ng aktibidad online ng mga terorista ay isang Moroccan ang nagpasabog ng sasakyan

Pero hindi naniwala ang ating militar at sinabing propaganda lang ito. Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paniniwalang ang nagsagawa ng pambobomba ay walang iba kundi ang lokal na Abu Sayyaf. Malabo raw na isang dayuhan ang nagpasabog ng bomba dahil mahihirapan siyang magmaneho ng isang sasakyan sa lugar na hindi siya pamilyar. Bukod dito ay may natanggap daw silang intelligence reports na balak magsagawa ng mga pambobomba sa Basilan ang grupong Abu Sayyaf.

Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson ay maaaring ito ang unang kaso ng suicide bombing sa ating bansa na posibleng gayahin ng ibang mga teroristang grupo at gawin sa matataong lugar kaya dapat imbestigahan nang husto.

May posibilidad din na ang naganap na pambobomba ay paraan ng isa o higit pang mga grupo upang iparamdam ang kanilang pagtutol sa Bangsamoro Organic Law na inaprobahan ka­makailan. Maaaring simula pa lang ito nang maga­ganap pang mga panggugulo sa hinaharap.

Pero ISIS man o Sayyaf ang tunay na nagsa­gawa ng pambobomba, ang maliwanag ay trinabaho ito ng mga demonyong terorista. At ang kailangan ay iba­yong pagtutok at paghihigpit sa ipi­natutupad na se­gu­ridad.

Batid naman ng mga elemento ng AFP na hindi sila puwedeng magpa­hinga o magluwag nang kahit kaunti sa kanilang pagtutok dahil ang mga tero­rista ay nagtatago lang sa paligid at naghihintay ng pagkakataon na puwede silang makapaghasik ng lagim sa lipunan nang kahit anong oras — umaga, tanghali, gabi o kahit madaling-araw.  Maghihigpit lang ba ang militar kapag tapos na ang pambobomba?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *