Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan, posibleng mabalda ‘pag ‘di agad nagpa-therapy

READ: Manoy Eddie, ibinunyag, sikreto ng pangunguna ng FPJAP

SA panayam kay Judy Ann Santos, nilinaw nito kung bakit matagal-tagal nang hindi napapanood ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo sa GMA-7’s Eat Bulaga. Kahit sa 39th anniversary celebration ng longest-running noontime show noong Lunes, July 30, ay wala rin ang TV host.

Aniya, ”The truth is, kailangan niya talagang mag-focus, magbigay ng proper attention sa therapy niya, kasi mabagal ang healing. Eh, ‘yung time ng therapy na ibinigay sa kanya ng doctor, ‘yun din ang time niya sa ‘Bulaga.’”

Kung matatandaan, nawala si Ryan sa Eat Bulaga late last year dahil sa naging operasyon nito sa tuhod pagkatapos maaksidente sa kanyang motorcycle training.

“Ang nangyari kasi, after ng surgery niya, after a month, bumalik na rin siya agad sa ‘Eat Bulaga.’ Kaya lang, noong tsinek kasi ng surgeon ang ginawang operasyon sa tuhod, nakitang mabagal ang paggaling. So, ngayon, ang advice sa kanya is to put attention on his knees,” pahayag ng Kapamilya aktres.

Hindi naman tipong ‘baldado’ si Ryan na hindi na nakalalabas ng bahay. Pero pagdating sa trabaho, hindi muna talaga. ”Nag-focus muna siya sa family.

“Kasi for the past nine years niya sa ‘Eat Bulaga,’ most of the time, hindi niya nakikita ang mga bata. Ngayong nagte-therapy siya, parang he took it as a chance na rin to be able to spend time with the children.”

Hindi pa masagot ni Juday kung kailan eksakto makababalik si Ryan sa Eat Bulaga. ”Hindi ko masabi, eh. Pero ang maganda naman sa ‘Bulaga,’ hindi siya pini-pressure na bumalik. Parang, I think, they also want him to recover fully, at saka delikado rin kasi.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …