READ: Ryan, posibleng mabalda ‘pag ‘di agad nagpa-therapy
IBINUNYAG ni Eddie Garcia ang sikreto ng FPJ’s Ang Probinsyano kung bakit nangunguna ito at hindi matalo-talo.
Anang beteranong actor, hindi lamang bida si Coco Martin kundi tinututukan din ang script at nagdidirehe ng longest running top rating action-series ng ABS-CBN.
Aniya, ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ay patuloy ang paghataw nito sa ratings. ”Ang serye ay isang negosyo kaya kung nagre-rate ito, tuloy-tuloy ito. Isang malaking risk kung papalitan ito ng panibagong teleserye dahil hindi ka nakasisiguro kung kikita ito.”
Inamin ng beteranong aktor na nagagandahan siya sa istorya ng action-series at nagagandahan din siya sa akting ni Coco. ”Maraming tagahanga ang aktor at hindi nauubusan ng iba-ibang event ang palabas kaya hindi iniiwanan ng mga manonood.”
Ang maganda pa, gustong-gusto niya ang pinaggagagawa ni Coco na halos buwan-buwan ay may mga bagong mukhang ipinapasok.
“Kagagawan ni Coco ang pagpasok ng mga artistang hindi na nakikita sa pelikula o telebisyon. ‘Yung mga artistang walang hanap-buhay ay nabibigyan niya ng hanap-buhay.”
Samantala, babalik ang beteranong aktor sa FPJAP. ”Kaya ako nagpatubo ng balbas at nagpaputi ng buhok para maiba ang aking karakter sa aking pagbabalik,” sambit pa ni Eddie.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu