Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

City hall employee tumalon sa rooftop ng condo patay

PATAY ang isang 49-anyos empleyado ng Manila City Hall makara­an tumalon mula sa rooftop ng isang condo­minium sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dakong 7:20 am nang magpa­kamatay ang biktimang si Ronald Sarmiento, tauhan ng District Public Safety (DPS) at residente sa Bo. Roxas St., Tondo.

Base sa ulat ng puli­sya, tumalon si Sarmiento mula sa rooftop ng Avida Towers sa MJC Drive, F. Huertas St., sa Sta. Cruz, Maynila.

Salaysay ng isang residente ng naturang condo, nagulat siya nang makitang nahulog ang isang tao mula sa itaas at bumagsak sa isang nakaparadang sasakyan.

Pahayag ng anak ni Sarmiento, nasa leave status ang kanyang ama sanhi ng pinagdaraanang depresyon.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, nakita sa CCTV ng condo na lumabas ang biktima mula sa unit ng kanyang kapatid  na nasa ibang bansa, saka tumalon na kanyang ikinamatay.

   (BRIAN GEM BILASA­NO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …