Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Actor, sakal na sakal na sa aktres na sobrang selosa

SOBRANG sakal na sakal na ang isang young actor sa kanyang nobyang bagets din kung kaya’t nagdesisyon na itong makipagkalas.

Grabe raw kung magselos ang dyowa ng bagets actor, na kapag sinumpong ng paninibugho ay daig pa ang isang palengkera.

Tsika ng aming source, ”’Yung girlash na pinagseselosan niyong dyowa ng young actor, actually, co-star nila sa isang teleserye. May isang buraot na nag-send ng video niyong bagets actor at niyon ngang pinagseselosang aktres doon sa girlfriend. Hulaan mo kung anong ginawa niyong dyowa? Sinugod niya ‘yung girl sa set ng taping, ikinulong sa CR at doon tinalak-talakan! ‘Day, hitsura ng eksena noon nina Marian Rivera at Bela Padilla!”

Dahil doon ay hindi na ma-take ng bagets actor ang ugali ng dyowang kinamamatayan pa mandin niya noon, ”Eh, ikaw ba naman ang ‘di na binigyan ng kahihiyan ng dyowa mo, ‘no!”

Da who ang bagets actor at dyowa niyang nuknukan ng selosa? Itago na lang natin sila sa alyas na Michael Feliciano at Blanca Umalembong.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …