READ: Agenda ng Dilawan, ibinuking
READ: Mocha, ‘di bagay sa isang advocacy film
WARLA ba ang mag-inang NoraAunor at Lotlot de Leon?
Sa nakaraang presscon ng kanyang bagong teleserye, halatang iwas si Ate Guy tungkol sa kung ano ang kanyang masasabi sa pagpapakasal ni Lotlot sa Lebanese boyfriend nito.
Hindi maiiwasang hingan ng reaksiyon si Ate Guy.
Hindi man bahagi si Lotlot ng teleserye ay ito ang current issue.
Maaaring sumama ang loob ni Nora dahil the last to know siya sa mga kaganapan sa kanyang mismong kaanak. Mukhang naitsapuwera ang dapat sana’y may malaking papel sa araw ng kasal next to the bride.
Pero kung matatandaan, no-show din si Nora sa kasal noon ni Lotlot kay Ramon Christopher, pero naroon ang kanyang balae na si Pilita Corrales.
It’s a history-repeats-itself scenario.
Pero ito ang senaryong hindi angkop ang kapaniwalaang, “It comes in threes.” Puwede pa ‘yung three is a crowd. With Nora, Lotlot and her husband-to-be all together ay masikip ang kanilang mundo.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III