Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Alden Richards
Coco Martin Alden Richards

Pagtapat ng serye ni Alden kay Coco, ‘ambisyoso’

DALAWA ANG konotasyon ng salitang “ambisyoso.” Ang isa’y positibo na ang ibig sabihi’y nangangarap na may effort namang ginagawa. Ang isa nama’y pag-iilusyon o pagnanais na makamit ang isang bagay na malayong mangyari.

Saan kaya babagsak ang bumubuo ng production team ng bagong fantaserye ni Alden Richards sa GMA (ipagpaumanhin n’yong pangalan lang ng bida ang aming babanggitin, hindi ang pamagat. The same applies sa katapat nitong teleserye sa ABS-CBN for the simple reason na wala naman kaming PR commitment sa alinman sa dalawa).

Ang tagal sa pag-ere ng makakabanggang palabas ni Alden—‘yung kay Coco Martin—ay patunay lang ng sobrang lakas nito kung viewership o audience share ang sukatan.

Ilang taon na nga bang umaariba sa TV ang kay Coco, may tatlong taon na nga ba? And still counting.

Ito ang teleseryeng halos pagsawaan na ng mga manonood. Hindi kasi mamatay-matay ang bida laban sa mga sanrekwang nagtangka na sa buhay ni Cardo.

Ilan na ring mga retirado nang artista ang binuhay ang career ng teleseryeng ito. Hindi kami magtataka kung pati ang mga ayaw nang mag-artista ay akukin ng papel doon.

Mahirap na kung tutuusin na buwagin pa ang kay Coco, pero may isang matapang na nanghas na tapatan ito. ‘Yun ngang kay Alden.

Ang magkaibang kahulugan ng salitang “ambisyoso” ay angkop sa hakbang ng GMA sa layuning igupo si Cardo.

Pero isang malaki’t nagsusumigaw na “Good luck!” ang mensahe namin para kay Alden at sa buong produksiyon.

Walang dudang ginastusan, pinaganda, at pinatindi ang mga maaaksiyong tagpo sa palabas ni Alden. Pero ang bentahe ng gusto nitong banggain has Coco Martin as the head of the creative team.

Iba kung ang bida’y sumasawsaw din sa creative aspect ng nilalabasan niyang programa. Ito ang kulang sa proyekto ni Alden, ewan kung may sey din siya sa pag-atake sa kuwento.

To top it all, between Coco and Alden, tanggapin natin ang katotohanang “malambot” ang huli palibhasa’y matinee idol, samantalang brusko ang dating ni Coco.

Natural, umaasa ang GMA na naka-jackpot sila. Which is totoo naman.

Pero dahil napili ng estasyon na itapat ito sa teleseryeng habambuhay na yatang eere, baka hindi sila “tiba-tiba” kundi “giba-giba” ang kalabasan nito sa ratings.

Huwag naman sana.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …