READ: Preacher arestado sa Basilan van blast
ISINAILALIM sa heightened alert status ang Metro Manila kasunod nang pagsabog sa Lamitan City, Basilan noong Martes.
Ayon kay NCRPO Regional Director, C/Supt. Guillermo Eleazar, hinihikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang mapapansing kahina-hinalang kilos.
“With what happened in Lamitan Basilan ‘di ba nagkaroon ng explosion doon siyempre itong Metro Manila lagi dapat tayong handa so dahil sa pangyayari na ‘yun we are upgrading our alert status para lang mas mapaghandaan natin. We dont wan’t kung ano nangyari roon ay magkaroon ng spill over dito sa atin sa Metro Manila,” aniya.
Wala raw bantang natatanggap ang NCRPO ngunit mas mainam na handa rin ang Metro Manila.
“Wala tayong nare-receive na imminent threat dito pero maganda na handa tayo and we are constantly coordinating with the other agencies ng ating governement sa intelligence community for monitoring kung mayroong mga threat tayo dito sa atin sa Metro Manila.”
Inatasan din niya ang lahat ng district director na mas paigtingin ang pagsasagawa ng checkpoints, crime prevention operations at anti-criminality operations.
“Kaya, I’m directing all the district directors to include all the chief of police and station commanders na magsagawa ng intensified na crime prevention efforts, anti-criminality efforts so ‘yung ating checkpoint operations will be done on regular basis. We are also encouraging the public to be very vigilant just like dun sa incidents na nangyari sa ibang lugar, gusto natin na dito sa atin ma-maintain natin ‘yung ating peace and order,” ayon kay Eleazar
“So nananawagan tayo sa ating mga kababayan na maging mapagmatyag tayo. Kung meron kayo na nakikita na out of the ordinary, ipagbigay-alam n’yo sa ating mga [ka]pulis[an],” dagdag niya.