NANAWAGAN ang AlterMidya Network, national network ng independent media outfits sa Filipinas, sa Philippine National Police at NutriAsia na bawiin ang lahat ng kasong inihain laban sa limang journalist na inaresto habang nagko-cover sa dispersal ng strike ng mga manggagawa ng NutriAsia nitong Lunes, 30 Hulyo.
Kasabay nito, kinondena ng AlterMidya ang mapangahas na hakbang ng NutriAsia na i-censor ang mga journalist nang tangkain silang papirmahain sa ‘quit claim’ waiver, na nakasaad na hindi sila magpapalabas ng ano mang balita hinggil sa dispersal, at iba pa, kapalit ng pagbawi sa kasong isinampa laban sa kanila.
Ang AlterMidya correspondents na sina Eric Tandoc at Hiyasmin Saturay, editorial staff na si Avon Ang, at student intern na si Psalty Caluza, kasama ng campus journalist na si Jon Bonifacio, ay iniutos na palayain mula sa pagkakapiit, kasama ng mga manggagawa ng NutriAsia at kanilang mga tagasuporta. Gayonman, ang mga kasong paglabag sa Batas Pambansa 880, katulad ng illegal assembly, gayondin ang public alarm and scandal, ay nanatili laban sa limang journalist.
“The filing of such charges against Filipino journalists is unprecedented in recent history, utterly baseless, and beyond ridiculous. They must be immediately dropped,” pahayag ng AlterMidya.
Binatikos din ng AlterMidya Network ang management ng NutriAsia dahil sa paglabag sa constitutional right para sa freedom of the press dahil sa kanilang tang-kang censorship.
“We support plans by lawyers to file counter-charges against the PNP and NutriAsia security guards in behalf of the NutriAsia 19. Our correspondent Tandoc was among those beaten up by police and NutriAsia security forces. Video footage shows that Tandoc was clearly shooting with a video camera when he was grabbed and hit with truncheons,” pahayag ng AlterMidya.
Sa video footage na kuha ni Tandoc ay makikita ang campus journalist na si Bonifacio habang kinakaladkad ng mga pulis at mga security guard.
“This kind of violence inflicted upon journalists in the course of fulfilling their duties is unacceptable and is a travesty of press freedom,” dagdag ng AlterMidya.
Ang camera equipment na tinatayang P100,000 ang halaga, at iba pang equipment na kinompiska mula sa nasabing mga journalist ay dapat anilang ibalik.
Anila, ang nangyari sa NutriAsia ay isa lamang sa marami nang beses na pag-atake sa press freedom sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“We are enraged at how state security forces spit on our right to information. They are emboldened by the pronouncements of President Duterte and his spokespersons who consider truth telling as a crime,” anila.
Tiniyak ng AlterMidya Network na ipagpapatuloy nila ang pag-uulat hinggil sa strike ng mga manggagawa ng NutriAsia nang tapat at walang takot, lalo’t nabigo anila ang mainstream media na i-cover ang panig ng mga manggagawa.
“We call on other journalists to exercise truthful and critical reporting on the NutriAsia labor dispute, despite advertising interests of their media owners. Now more than ever, the Filipino people, especially the working class, needs journalism that will cut through, and not become an echo chamber of, lies that imperil their interests and their very lives.”
“We call on our colleagues to close our ranks even more to defend journalism and the people’s right to know. We will not let lies and deception prevail. We will fight back because the Filipino people, especially the marginalized, deserve to be heard. It is from them we draw our strength,” ayon sa AlterMidya.
Samantala, nagpapasalamat ang AlterMidya sa mga sumuporta sa kanila, sa mga kasamahan sa media sa local at sa abroad, sa mga abogado at iba pa na tumulong para mapalaya ang mga journalist. “We will continue to see to it that the NutriAsia 19 achieve justice for their injuries and unjust detention, and additionally for our media personnel, the violation of their right to report and fulfill their duty as journalists,” pagtatapos ng AlterMidya.