MAY one-year old daughter na pala si Dion Ignacio sa non-showbiz girlfriend niya. Hindi pa sila kasal ng ina ng kanyang anak, at magdadalawang taon na ang kanilang relasyon.
“Masarap, excited lagi umuwi after ng trabaho. At saka inspired magtrabaho,” ang sagot naman ni Dion kung ano ang pakiramdam maging ama for the first time.
“Kasi ginagawa mo ‘yun para sa pamilya mo.”
Dating flight attendant ang karelasyon ni Dion.
“Ngayon nagbi-business siya, cosmetics ganoon, i-search n’yo sa Instagram, Skin Potions.”
Bago sila nagkahiwalay ng walaong taon ay apat na buwan lamang ang kanilang relasyon.
“Kasi nagpunta siya abroad para magtrabaho.”
At iyon nga, walong taon silang hindi nagkita.
“Pero siyempre nagka-girlfriend din ako ng iba, pero siya nagkaroon din (ng boyfriend), isa lang.”
Banggit namin kay Dion, meant-to-be sila talaga.
“Ganoon ang gusto kong makasama sa buhay kasi hindi dapat na panandalian kasi may edad na rin tayo, 32 na ako so, hindi ko na kailangan ng mga fling-fling.
“Gusto ko na ‘yung partner ko na hanggang sa pagtanda ko.”
Dati na silang may relasyon pero nagkahiwalay sila at hindi nagkita ng walong taon at nito lamang ulit nagkabalikan.
Faithful si Dion sa karelasyon niya, dahil aniya, “isinurender ko na lahat—Facebook, Instagram. Kunwari ‘pag nag-follow kayo sa IG, puwede niya ring pasukin ‘yun!”
Meaning alam ng karelasyon niya ang password ng mga social media accouts niya.
“Tama lang ‘yun para may disiplina ka. Oo, kasi wala akong itinatago, eh.”
So may duda sa kanya ang karelasyon niya?
“Oo naman,” at tumawa si Dion. “Kilala niya ako, kilala niya kung sino ako noon.”
Na naging naughty si Dion noong araw.
“Pero siyempre ang tao naman nagbabago ‘yan eh, ‘di ba?
“Hindi naman habang panahon ganoon.
“Lalo ngayon, may anak, lalo kang magbabago, kasi hindi naman habang panahon baby ‘yun, magkakaisip ‘yun, dapat proud siya sa daddy niya.”
Kailan ang kasal?
“Hindi pa sa ngayon pero pakakasalan ko siyempre, sa kanya ako may anak, ayoko ng may ibang babae pa ako na alam mo ‘yun, may anak dito, may anak doon.
“Magulo ‘yun, ayoko ng magulong pamilya.
“Wala pa, hindi ko pa masabi ngayon (kasal). Siguro kailangan pang mag-ipon, paghandaang mabuti.
“Pero hindi naman kailangang magarbo eh, ‘di ba? Basta magpakasal kayo.”
Ang mga bumubuo ng cast ng show bukod sa bidang si Alden Richards (bilang Victor Magtanggol/Hammerman) ay ang mga gaganap na gods at goddesses na sina John Estrada bilang Loki; Andrea Torres bilang Sif: Pancho Magno bilang Modi; Miguel Faustman bilang Magni/Magnusat; ang special participation ni Conan Stevens bilang Thor.
Binubuo naman ang Magtanggol family nina Al Tantay bilang Tomas; Chynna Ortaleza bilang Lynette; Dion; Lindsay De Vera bilang Anne; at Yuan Francisco bilang Meloy Domingo. Kasama rin si Reese Tuazon bilang Honeylyn at sa isang importanteng papel, si Ms. Coney Reyes bilang Vivienne.
Ang Regalado family naman ay binubuo nina Eric Quizon bilang Hector; Freddie Webb bilang Renato; Maritoni Fernandez bilang Alice; Kristoffer Martin bilang Lance Espiritu; at Janine Gutierrez bilang Gwen.
Nagsimula na ang Victor Magtanggol noong Lunes, July 30 sa GMA sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Rated R
ni Rommel Gonzales