READ: Sofia, vindicated, ibinalik sa Bagani
SABI ni Sam Milby sa presscon ng upcoming drama series niyang Halik sa Kapamilya Network, na mapapanood na simula sa August 13, close friends lang sila ni Angelica Panganiban.
Pero hindi niya isinasara ang posibilidad na higit pa rito ang maging relasyon nila in the future.
“Yeah, I mean, ‘di ko masasabi in the future. Baka naman, baka magkaroon ng feelings, I don’t know. But right now, no. We’re just friends and we’re enjoying the friendship. That’s it,” sabi ni Sam.
Naku, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Carlo Aquino sa naging pahayag na ito ni Sam?
Single rin kasi ngayon si Carlo. Nang matanong siya kung sino ang gusto niyang balikan sa mga nakarelasyon niya rati, ang sagot niya ay si Angelica.
Kailangang kumilos na pala siya, na kailangang muli niyang ligawan si Angelica or else, baka maunahan siya ni Sam na maging girlfriend ang aktres.
MA at PA
ni Rommel Placente