Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Aktor na laging halukipkip ang Biblia, ‘di naipagtanggol ang Diyos

MARAMING taga-showbiz ang nagtataka sa pananahimik ng isang mahusay na aktor lalong-lalo na ang nakatatak nang “stupid God” reference ni Pangulong Duterte.

Kasagsagan ng 2016 campaign ay lantaran ang suporta ng aktor na ito sa presidential bid ni Digong kahit mayroon siyang dapat na mas pagtutuunan ng pansin.

Sa kasawiang palad, hindi nagbunga ang pangarap ng actor. Kamukat-mukat mo, balik siya sa kanyang dating gawi palibhasa hindi siya gaanong abala sa showbiz.

Pero kilala na siya na may halukipkip na Biblia saan man siya magpunta, iisipin mong isa siyang misyonaryo. Imbes nga clutch bag ang nasa kanyang kili-kili ay Biblia ang nakaipit dito.

Hinahanap ng kanyang mga kabaro sa showbiz ang aktor na ito, hindi dahil nawawala siya. Hinahanap ang kanyang marubdob na paninindigan tungkol sa kanyang pagiging maka-Diyos.

Kung ang ibang mga artistang hindi naman preachy ay nagpahayag ng pagkadesmaya nila sa paniniwala ni Digong, bakit hindi nanguna ang aktor na ito?

Inaasahan pa mandin ng mga taong nakakakilala sa kanya na pamumunuan niya ang hanay ng mga faithful kesehodang makatikim siya ng panlalait mula sa mga DDS.

Mas pinili na nga lang ba ng aktor na ‘yon na manahimik na lang, tutal naman ay huhupa ang isyu gaya nga ng nangyari?

Shortly after his recent victory ay binanatan si Manny Pacquiao ng kaibigang Eric John Salut sa social media dahil sa ‘di nito pagtatatanggol sa Panginoon.

Nakaligtaan ng showbiz na bukod nga pala kay Pacman na napakarelihiyosong tao ay nariyan ang aktor na ito na itago na lang natin sa alyas na Filemon Kubrador.

 (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …