Saturday , November 16 2024
dead gun police

2 tulak utas sa shootout

DALAWANG TULAK TIGBAK SA PARAK!

PATAY ang dalawang markadong tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) Huwebes ng madaling araw sa Tondo Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Noel Cervantes alyas Alex nasa hustong gulang, walang trabaho at Alyas Athan na kapwa mymebro ng Batang City Jail(BCJ) ng Antipolo st Tondo Maynila.

Ayon kay MPD Station 7 commander Supt Jerry Corpuz, Pakay ng kanyang operatiba na hulihin lamang ang dalawang suspek subalit sa gitna ng operasyon ay biglang umiktad ang isa sa mga suspek na nakasakay pa sa motorsiklo at pinaputukan ang pulisya.

Base sa ulat, naganap ang buy bust operation dakong 4:00am sa madilim na bahagi ng tulay ng Lambingan New Antipolo st Tondo kung saan nasorpresa umano ang pulisya nang paputukan sila ng mga suspek dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawang tulak ng droga.

Nabatid na maliban sa pagtutulak ng droga bilang kagrupo ng isang alyas “Badong” ay lumalakad rin ng holdap ang dalawang suspek na matagal nang inirereklamo sa naturang lugar.

Nadiskubre sa mga suspek ang 7-piraso ng sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1400, buy busy money at isang .22 kalibre baril na loaded at may isang basyo ng bala, .38 kalibre bril at isang motorsiklo na kapwa gamit ng nanlaban na mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, Natagpuan sa crime scene ang isang wallet na naglalaman ng 11-piraso ng pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2k at mga basyo na bala na ngakalat sa crime scene.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek na nanlaban sa naganap na operasyon. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *