Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

12-anyos estudyante nakoryente sa ilog

PATAY ang isang 12-anyos batang lalaki makaraang makor­yente habang lumalangoy sa isang ilog sa Malabon City, kama­kalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon ang biktimang kinilalang si Mart Elmer Yanga, Grade 2, residente sa Tambak Uno, Brgy. Tanza Dos, Navotas City, sanhi ng pagkasunog ng katawan.

Batay sa ulat ni Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) PO2 Diana Palmones, nangyari ang insidente dakong 2:00 pm, habang naglalaro ang biktima ka­sama ang magpinsan na si­na James Benly Aaron Santos, 11, at Ronald Genzon, 12-anyos, sa gilid ng Talabahan river.

Biglang tumalon sa ilog si Yanga at sumakay sa isang lumulutang na styrofoam hang­gang mahulog dahilan upang kumapit sa fish net ngunit unti-unti siyang lumubog sa ilog.

Nang hindi lumutang si Ya­nga, agad hinila ng mag-pinsan ang fish net ngunit nakita nilang may nakakabit na live electric cable kaya humingi sila ng tulong sa mga taong nasa lugar.

Nang maiahon, mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …