READ: GMA tatapos ng away sa minorya — Suarez
ANG boto at pagsuporta ni Quezon Rep. Danilo Suarez kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kudeta niya laban kay dating speaker Pantaleon Alvarez ang sanhi ng kanyang pagkakaalis bilang pinuno ng minorya, ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice.
Hindi umano ang pagkamalapit ni Suarez kay Arroyo ang kinukuwestiyon, dagdag ni Erice.
Giit ni Erice, malinaw ang Section 8 at 11 ng House Rules na ang lahat ng bomoto sa nanalong speaker ay magiging parte ng mayorya.
“Ang boto niya (Suarez) kay Arroyo ang nagluklok sa kanya sa mayorya,” ani Erice.
“Paano magiging minority leader ang isang miyembro ng majority?” tanong ni Erice.
Ayon kay Erice sinasabi sa Section 8 at 11 ng House Rules na ang minority leader ay pinagbobotohan ng mga miyembro ng minorya.
“Paano magiging lider si Suarez ng isang grupo na hindi naman siya miyembro?” ani Erice.