Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Chet Cuneta

Utol ni Sharon, naghahanda na para pamunuan ang Pasay

SA wakas ay naisingit din namin ang kuya ni Sharon Cuneta na si Chet sa aming sked. Itinaon niya ‘yon sa kanyang inisyal na pagpupulong sa kanyang mga magiging kaalyado sa kanyang pagkandidato bilang mayor ng Pasay City.

Narito ang ilang facts na aming natuklasan tungkol sa kanya, taliwas sa mga naunang naiulat.

Dati siyang DC 9 at Airbus 320 captain ng Cebu Pacific, pero ngayon ay nasa Air Asia Philippines na siya flying the same aircraft (Airbus 320). At the same time, isa ring line instructor at line checker si Chet na may kabuuang 32 dalawang taon nagpapalipad ng commercial plane.

Desidido na sa kanyang plano, ang kabibilangang partido ng dati naming kamag-aral sa hay-iskul ay United Pasay Opposition na babangga sa mga kasalukuyang nakaupong opisyal.

Sa dulo ng kaswal na panayam namin sa kanya, ang huling ipinukol naming tanong ay kung ano ang magagawa ng isang piloto sa larangan ng lokal na politika.

Sagot ni Chet: “My job is to transport passengers to and from their destinations safely. I have their lives on my hands as my life is also at stake here. I will lead Pasay and our people to a better situation. I may not be a politician but I can identify problems and solve them. I am not corrupt and I am trustworthy.”

Kabog!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …